^

PSN Opinyon

Intel agents ng Pinas, nawindang sa gadgets ng Chinese spy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAWINDANG ang intel agents ng gobyerno matapos ma­pagtanto itong nakumpiskang advanced communication equipment sa Chinese spy na si Yuhang Liu ay sobrang lakas kung makasagap ng impormasyon. Wala sa kaling­kingan nito ang gamit nila, anila.

Sinipat kasi ng mga ahente ng MIG19, ISAF, IG ng PNP at NTC ang mga gamit ni Yuhang at lahat sila ay nag-agree na ngayon lang nila naengkuwentro ito. ‘Ika nga, ang mga mayayamang bansa lang, tulad ng China, ang may kayang gumawa at mag-operate nito.

Kung tutuusin kasi, kapag nai-deploy itong equipment malapit sa US Embassy, Japan embassy at sa mga kampo militar, abayyyyyy mapapakinggan mo ang usapan ng mga opisyal sa loob. Tsk tsk tsk! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.

Kaya dapat madaliin ng korte ang pagpalabas ng Warrant to Examine Computerized Data para mabuksan at ma-analyze na ng intel agents itong mga nakumpiskang cell phones, computer, laptop at advanced communication equipments na nakuha kay Yuhang.

Habang nade-delay kasi ang WECD, hindi na mahanap o makagawa ng follow-up operations ang mga intel agents para maaresto ang mga kasabwat ni Yuhang sa paniniktik n’ya sa mga embassies at military camps sa Pinas. Get’s n’yo mga kosa?

Baka may nabayaran na ang China para ma-delay ang WECD? Sanamagan! Hehehe! Kailangan pa bang i-me­morize ‘yan?

Ayon kay Col. Joel Ana, ang hepe ng CIDG-National Ca­pital Region, ang tinutukoy ng mga intel agents ay ang gamit na may tatak na IMSI-Catcher na pang-spy talaga.

Sinabi pa ni Ana na ang equipment ay may receiver, frequency, storage, transmitter at iba pa. Ini-explain pa ng mga intel agents na equivalent ito ng isang tower na may malaking cell site. Ano ba ‘yan?

Ang antenna umano nito ay sobrang laki at sobrang lakas. “Malayo raw ang mga equipment nila roon at pangmayaman na bansa lang ang gumagamit nito,” ani Ana sa paliwanag ng mga intel agents. “Parang kasing laki ng timba pero malawak ang coverage,” ang dagdag pa ni Ana. Sal-it! Hehehe!

Kailan kaya tayo magkaroon ng gamit na ‘yan para mapakinggan din ng intel agents ang usapan sa Chinese embassy. Sa pangarap lang ‘yan!

Ipinaliwanag pa ng mga intel agents kay Ana na ang gagawin lang ng may hawak ng equipment ay i-attach ito sa laptop na may nakakabit na tatlo o apat na cell phones at presto….gagana na ang eavesdropping na gamit. Halimbawa kung sa vicinity ng Camp Crame ito i-deploy, mapapakinggan ni Yuhang ang pag-uusap ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at iba pang top police officials.

Hindi lang ‘yan, ang mga text messages ng PNP officials ay puwede ding si Yuhang ang sasagot. Araguyyy! Paano kung mga bebot ang kausap? Buking si Sir tiyak, di ba mga kosa?

At may dagdag pa na kapag gumagana ang equipment, ang lahat ng cell phone sa 300 meters radius nito ay walang signal. Dipugaaaaa! Advanced nga talaga itong equipment ni Yuhang, ‘no mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Asan na ang WECD, para malaman na kung spy si Yuhang ng China. Abangan!

SPY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with