^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pinas, maghanda pa sa pangha-harass ng China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Pinas, maghanda pa sa pangha-harass ng China

SUNUD-SUNOD na ang ginagawang pangha-harass ng China sa Pilipinas at wala pa ring tiyak na hakbang ang pamahalaan laban dito. Maliban sa pagpa-file ng diplomatic protest, wala nang iba pang ginagawa ang pamahalaan. Marami nang isinampang protesta ang Pilipinas pero hindi pinapansin ng China. Para sa kanila, walang kuwenta ang protesta. Katulad din ng pagsasabing ang napanalunang kaso ng Pilipinas noong 2016 sa pinag-aagawang teritoryo ay kapirasong papel lamang.

Grabe na ang ginagawa ng China sa Pilipinas. Mula sa pagkanyon ng tubig hanggang sa pag-agaw at pagtatapon ng mga pagkain para sa mga sundalong Pilipino na nagbabantay sa BRP Sierra Madre ay hindi katanggap-tanggap. Nakakapanggigil ang ginagawa ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas na binabangga at nagsasagawa pa ng mga mapanganib na maniubra. Ang ginagawa ng mga tauhan ng CCG ay gawain ng mga taong walang budhi at kaluluwa.

Ngayong buwan na ito dalawang insidente ng panggigipit o pangha-harass ang ginawa ng CCG sa mga barko ng Pilipinas. Una ay ang pagharang sa barko ng Philippine Coast Guard habang ini-evacuate ang isang maysakit na sundalo sa BRP Sierra Madre. Binangga pa ng CCG ang barko ng Pilipinas habang sakay ang maysakit na sundalo. Hindi makatao ang ginawa ng mga miyembro ng CCG na pagharang at pagbangga.

Ikalawang pangha-harass ay nang habulin at hara­ngin ng CCG ang barkong may sakay na mga Pilipinong scientist na nagsasagawa ng survey sa Escoda Shoal. May backup pang dalawang helicopter ang CCG nang isagawa ang pangha-harass. Nagsasagawa ng pag-aaral ang mga scientist sa mga nasirang corals sa shoal.

Marami pang gagawing kasamaan ang China sa Pilipinas at dapat maghanda. Hindi dapat ipagwalambahala ang ginagawa ng China. Maglatag na ng mga paraan sa mga gagawing panggigipit. Tiyak mas malubha pa ang mga susunod.

Marami sa mga Pilipino ang naniniwala na mala­king banta sa Pilipinas ang China. Sa survey ng OCTA Research noong Marso 2024, lumabas na 76 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na malaking banta ang China sa Pilipinas.

Nakikita na ito sa mga ginagawa ng China ngayon. Kung ngayon at tubig ang ipinangkakanyon, baka sa sunod ay bala na ang gamitin. Baka sa susunod, lulusubin na nila ang BRP Sierra Madre at walang awang kikitlan ng hininga ang mga sundalo roon. Kung nagagawa nilang itapon ang rasyong pagkain ng mga sundalo, ano pa kung magpaulan sila ng bala.

Sabi ni President Marcos Jr., hindi raw siya makikipaggiyera sa katabing bansa. Ano ang gagawin? Panonoorin ang panggigipit? Pagmamasdan ang pagbangga at pagkanyon ng tubig?

COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with