^

PSN Opinyon

EDITORYAL — 4Ps beneficiaries ‘di na mahihirapan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � 4Ps beneficiaries �di na mahihirapan

TINATAYANG 4.4 milyon ang mga pamilyang bene­pisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sila ‘yung mga pamilyang kabilang sa pinakamahihirap na sector ng lipunan—mga walang-wala. Ang 4Ps ay may taunang budget na P200 bilyon.

Noong nakaraang taon, 100,000 na pamilyang benepisyaryo ng 4Ps ang inalis na sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nag-graduate na ang karamihan sa kanila samantalang ang iba ay inalis dahil natuklasan ng DSWD na isinasangla ang kanilang ATMs sa mga loan sharks at nabaon sila sa utang.

Noong 2022, may mga report na natanggap ang DSWD na kahit nakatapos o nag-graduate na ang benepisyaryong pamilya, patuloy pa rin silang tuma­­tanggap at hindi nire-report ang kanilang totoong sitwasyon. Natuklasan ng DSWD na mahigit 1-milyon­ ang nagsasamantala sa programa. Inaabuso at hindi tumutupad sa pinag-uutos ng DSWD.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, patuloy ang kanilang paglilinis sa listahan ng mga 4Ps beneficiaries at tinitiyak na nasasala nilang mabuti ang mga pamilyang tumatanggap ng ayuda.

Isa rin sa magandang sinabi ng DSWD ay ang pag­papagaan sa pagtanggap ng ayuda ng 4Ps beneficiaries. Idaraan na umano sa e-wallet ang pagtanggap sa ayuda. Hindi na umano pipila sa banko ang bene­ficiaries para makuha ang ayuda.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary for 4Ps and National Household Targeting System Marites Ma­ris­tela­, layon nilang maging digital financial literacy ang 4Ps beneficiaries. Nakikipag-ugnayan na umano sila sa GCash, Maya, Land Bank of the Philippines at BPI Foundation. Kamakailan, inilunsad ng DSWD ang “e-PANALO ang Kinabukasan” program.

Ayon pa kay Maristela, bukod sa mabilis na mata­tanggap ng beneficiaries ang ayuda, hindi na rin ma­babawasan pa ang kanilang mga matatanggap. Ka­da­lasang pumipila sa ATMs ang mga benepisyaryo na malaking abala sa mga ito.

Sinimulan ang 4Ps noong 2007 sa panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo na ang layunin ay mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at makakamit ng edukasyon ang mahihirap na pamilya.

Ipagpatuloy ng DSWD ang maayos na pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap. paglilinis. Ipamulat­ din naman nila sa mga pamilya na gamitin sa maayos, wasto at pagpapaunlad sa sarili ang tinatanggap na ayuda.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with