^

PSN Opinyon

Mga dayuhan sa SCS ikukulong ng China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Mga dayuhan sa SCS ikukulong ng China
Chinese fishing fleet namamasok sa Julian Felipe Reef
Wikipedia Photo

ISA na namang ilegal na patakaran ang inanunsyo ng Beijing. Inutusan nito ang China Coast Guard na ikulong ang mga dayuhan sa South China Sea na inaangkin niya.

Ang pagkulong ay aabot nang 60 araw—walang pag­lilitis.

Magsisimula ang bagong regulasyon sa June 15. Ma­aring arestuhin ng CCG ang mga mangingisda ng Brunei, Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Vietnam sa sari-sarili nilang exclusive economic zones. Pati coastguards at fishery en­forcers ng limang bansa ay madadamay. De-kanyon at ma­­chinegun ang mga barko ng CCG.

“Huwag pansinin ang regulasyon,” ani Philippine Coast­guard Spokesman Commo. Jay Tarriela. “Naninindak lang ang Beijing.” Mahigit 350,000 pamilya ang naghahanapbuhay sa West Philippine Sea, kanlurang EEZ ng Pilipinas.

“Labag sa United Nations Charter at UNCLOS ang bagong regulasyon,” ani dating Supreme Court Justice Antonio Carpio. “Tanging ang bansang may EEZ ang ma­aring magpatupad ng sobereniya doon,” ayon sa UNCLOS. Hindi puwede magpatupad ng sobereniya doon ang ibang bansa.

“Lalabagin ng Beijing ang UNCLOS kung manghuli ang CCG ng mangingisda o sasakyan ng bansa sa sariling EEZ.

“Bawal sa UN Charter gumamit ng dahas o magbanta ng karahasan sinumang bansa para maayos ang hidwaan.

Nanawagan si Carpio sa navies ng America, Britain, France, Japan, Australia, at iba pang bansa na lumayag sa SCS. Patunayan sana nila na ang SCS ay para sa lahat, hindi lang sa China.

Kung sakali, mabibisto ang ugali ng communist China: sinusuway nito ang batas ng mundo. Makasarili!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with