^

PSN Opinyon

Sa ika-354 Araw ng Makati: Lahat Better!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Makulay, masaya, at makabuluhan ang ating line up ng acti­vities para ipagdiwang ang 354th Founding Anniversary­ ng Makati. Dapat lamang tayong maging masaya, dahil sa ating­ komunidad, ang abot-kamay na modernong health­care, maka­­bagong edukasyon, at pinakamahusay na serbis­­yong panli­pu­nan ay hindi lamang mga pangarap, kundi totoong nara­ranasan.

Dito sa Makati, na-e-enjoy ng Yellow Card holders ang better at mas pinalawak na lifetime health benefits, libreng gamot na pang-maintenance, libreng unli-dialysis, at libreng chemotherapy. Todo rin ang proteksyong ibinibigay ng com­­prehensive vaccine program ng Makati laban sa mga sakit tulad ng flu, pneumonia, Japanese encephalitis, HPV, at shingles.

Ilang buwan na lamang ay mas lalo pang aangat ang kalidad ng medical care sa Makati kapag fully-operational na ang Makati Life Medical Center at mga karagdagang DOH-certified super health centers sa lungsod.

Pagdating naman sa education, talagang better dito sa atin. Nai-convert na ng lungsod ang paunang 400 silid-aralan bilang smart classrooms na kumpleto sa kagamitan. Sagot ng lungsod ang lahat ng kanilang mga kailangan para matiyak na sila’y handa sa anumang hamon, at lubusang malinang ang kanilang potensyal para magtagumpay.

Bilang isang huwaran ng sustainable urban development­ at premier destination para sa tourists at investors, handog ng Makati ang walang kapantay na mga oportunidad para sa business at leisure.

Ito ang napakamahalagang pamana ng aking admi­nistrasyon sa inyo – ang better Makati kung saan ang bawat Makatizen ay namumuhay nang maginhawa, malusog, at masaya.

Mabuhay kayo, Proud Makatizens!

*******

Noong Friday, May 31, dumalaw ako sa lalawigan ng Pampanga upang personal na iparating ang aking imbitasyon sa mga pamahalaang lokal doon na bumisita sa Makati para sa benchmarking activities.

Laking pasasalamat ko kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at dating Representative Mikey Arroyo, na sinamahan ako sa aking pagbisita. Dumalo kami sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting na ginanap sa Kingsborough International Convention Center sa bayan ng Guagua, kung saan mainit akong sinalubong nina Governor Dennis Pineda at iba pang local officials ng Pampanga.

Pagkagaling doon ay inikot namin ang mga bayan ng Sta. Rita, Porac, Floridablanca, Lubao at Guagua, kung saan nakadaupang-palad ko ang kanilang mga mayor at iba pang lider ng komunidad.

Bukod sa tulong pinansyal na ating ibinigay sa lalawigan ng Pampanga at mga bayan nitong sinalanta ng mga bagyo noong 2023, nais din nating makatulong sa iba pang aspeto ng disaster risk reduction and management.

Ang Makati ay isang certified resilience hub sa Southeast Asia, at bukas ang aming pinto sa pakikipag-ugnayan sa kapwa LGUs upang maibahagi ang mga subok nang best practices at digital innovations para sa climate change adaptation and mitigation.

Ako po ay buong pusong nagpapasalamat sa  mainit na pagtanggap sa akin ng local officials at mga kawani ng mga nasabing bayan.

Gusto ko ring magpasalamat kina Sta. Rita Mayor Arthur Salalila; Porac Mayor Jaime Capil; Floridablanca Mayor Darwin Manalansan; Lubao Mayor Esmeralda Pineda; Sasmuan Mayor Catalina Cabrera-Bagasina, at Guagua Vice Mayor Benjamin Lim, Jr.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with