^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga pulis na sangkot sa ‘escort service’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga pulis na sangkot sa âescort serviceâ

Mayroon na namang pulis na nahuli habang nagsa-sideline na “escort service” noong Lunes sa Diokno Avenue at ASEANA City sa Parañaque City. Bukod sa pulis, nahuli rin ang isang dating sundalo. Ang pulis ay 45-anyos at isang sarhento, samantalang 57-anyos ang sundalo. Nakasuot umano ang dalawa ng uniporme ng Highway Patrol Group (HPG). Nahuli ang dalawa sakay ng motorsiklo na may sticker ng HPG at inieskortan ang isang itim na mamahaling­ sasakyang Alphard. Hinihinalang Chinese ang inies­kortan ng dalawa. Tinangka umanong patigilin ng mga operatiba ang sasakyang inieskortan ng dalawa su­balit mabilis na nakaalis ito at nagtungo sa isang hindi malamang direksiyon.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group chief Brig Gen. Jay Cumigad, ikinatwiran daw ng pulis na pauwi­ na raw siya nang arestuhin. Nahaharap sa reklamong usurpation of authority at illegal use ng uniform at insignia sa Parañaque prosecutor’s office ang dalawa. Galit na sinabi ni Cumigad sa pulis, “Hindi ka na naka­katulong, nakakaperwisyo ka pa!” Hindi naman pina­ngalanan ni Cumigad ang pulis at sundalo.

Kamakailan lang, dalawang Special Action Force (SAF) troopers ang nabuking na nag-eeskort sa opisyal ng Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) sa Ayala-Alabang. Nakilala ang dalawang SAF troopers­ na sina Cpl. George Mabuti at Pat. Roger Valdez. Nakadestino ang dalawa sa Mindanao subalit narito sa Metro Manila para mag-escort at pinasusuweldo ng P40,000 bawat isa. Nabuking ang pag-eeskort ng da­lawa­ sa POGO official nang gumawa ng gulo sa Ayala-Alabang at inaresto ng mga pulis.

Dahil sa ginawa ng dalawa, sinibak na sila sa puwesto at ni-releived na rin sa puwesto ang 10 iba pa, kabilang ang hepe ng dalawang SAF troopers. Hinihinala ng PNP na may basbas ng kanilang superior ang pag-escort ng dalawa sa POGO official. Hindi naman pinangalanan ang opisyal ng POGO na inieskortan ng dalawang SAF.

Nakakahiya ang ginagawa ng mga pulis na nag-eeskort ng mga mayayaman na hinihinalang mga Chi­nese. Maaaring matagal nang ginagawa ang pag-eskort at pagbibigay ng security ng mga pulis sa mga mayayamang negosyante o maging mga pulitiko at ngayon lamang nabubuking.

Kung kailan nilakihan ang suweldo ng mga pulis ay saka naghangad pa nang mas malaki at tinatalikuran ang kanilang tunay na trabaho na paglilingkod sa ma­ma­mayan. Malaking hamon ito kay PNP chief Gen. Rommel Marbil na nangako kay President Marcos Jr. noong Abril 1, 2024 na lilinisin ang PNP. Nasan ang pangako?

ASEANA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with