^

PSN Opinyon

Mga benepisyo sa pag-inom ng salabat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming pakinabang sa pag-inom ng salabat. Nakatu­tulong ito sa masakit at pagod na kalamnan. Mabisa rin ito sa pamamaga. Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang pag-inom ng salabat ay nakababawas ng sakit ng 40 percent. Maganda rin ito sa nagduduwal at mahusay sa pag-aalaga ng boses.

Subukan ninyong uminom ng isang tasa ng mainit na salabat pagkagising sa umaga at sa bandang hapon.

Narito ang iba pang benepisyo sa pag-inom ng salabat:

1. Pinapaganda ang takbo ng dugo – Nakakatulong itong gumanda ang circulation ng dugo lalo na sa may high blood pressure at mataas ang cholesterol. Nakatutulong itong linisin ang daanan ng dugo.

2. Nagpapalakas ng immune system – May taglay itong gingerols at gingerdiol na nakakatulong labanan ang mga virus at bacteria, at palakasin ang resistensiya natin. Tumu­tulong din itong labanan ang cancer cells.

3. Nag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng regla o dys­menorrhea.

4. Nagbabawas ng pamamaga o inflammation – Naka­katulong itong bawasan ang arthritis, at pananakit ng ibang parte ng katawan.

5. Para sa stress – Nagdadala ng ngiti sa labi dahil nagta­taboy ito ng stress. Nakatutulong na makalma ang nerves.

6. Nag-aayos ng panunaw at pagsipsip o pag-absorb ng sustansiya mula sa mga pagkain.

7. Nakatutulong na ma-improve ang memorya at iba pang function ng utak.

SALABAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with