^

PSN Opinyon

QC handa na sa bagyo, La Niña

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS ang ilang buwan ng nakapapasong init, makakapagpahinga na tayo sa epekto ng El Niño at ang susunod naman nating paghahandaan ay panahon ng tag-ulan. Sa taya ng PAGASA, magsisimula na ang “wet season” sa susunod na linggo at nasa 13 hanggang 16 na bagyo ang tatama sa bansa ngayong taon.

Sasabayan pa ito ng La Niña, kung saan inaaasahan ang mas mataas na antas ng ulan kumpara sa karaniwang naitatala sa bansa. Kasabay nito, nakaamba na naman ang maraming problema gaya ng pagbaha, pagguho ng lupa at mga sakit na karaniwang dulot ng tag-ulan.

Ngayon pa lang, nakakasa na ang mga paghahanda ng pamahalaang lungsod. Nakalatag na ang gagampanang papel ng mga kaukulang tanggapan ng pamahalaang lungsod para matiyak ang kaligtasan at sa mabilis na paghahatid ng tulong at serbisyo sa ating QCitizens.

Nasubok agad ang paghahandang ginawa natin nang manalasa ang Bagyong Aghon, na kauna-unahang bagyo sa bansa ngayong taon. Epektibo naman ang naging ma­agap nating paghahanda dahil gaya dati, zero casualty ang lungsod.

Tuwing may bagyo, agad nating pinakikilos ang Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) at lahat ng mga tanggapan na tutugon sa kalamidad. Mahigpit ding babantayan ng Emergency Operations Center (EOC) ng siyudad ang pagkilos ng bagyo, lakas ng hangin, at ang laki ng ulan na ibubuhos nito sa ating siyudad.

Naka-full alert naman ang ating Urban Search and Rescue­ (USAR) Teams kaakibat ng mga Barangay Emergency Response Teams para mabilis na tumugon sa anumang emergency. Mayroon din silang rescue boats, sonar equip­ment pang-locate ng victims sa rumaragasang tubig,  protec­tive gears, rescue cans, at iba pang life-saving equipment na magagamit.

Bukod pa rito, magsasagawa ang QCDRRMO ng regular­ na weather briefing at magbibigay ng napapanahong update at paghahanda sa nangyayari sa ibaba, pati na sa mga pagkilos na ginawa ng DRRMC.

Ikinakasa naman ng ating safety officers ng preemptive evacuation sa mga lugar na madaling bumaha. Naka-standby din ang Helpline 122 ng siyudad para tumanggap ng tawag at tumugon sa mga pangangailangan sa panahon ng bagyo.

Mananatili ang ganitong antas ng paghahanda tuwing may bagyo para matiyak ang kaligtasan ng ating QCitizens at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan.

vuukle comment

LA NIñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with