^

PSN Opinyon

Mini farm...Pampanga Grapes & Strawberry

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang inspiring na buhay sa paghahalaman ng isang young farmer na owner ng Pampanga Grapes and Strawberry Mini Farm.

Ang aking tinutukoy ay si Marjon Tolentino, 28, ng Purok 3 Block 5, Fortuna, Florida Blanca, Pampanga.

Naging hamon kay Marjon ang pagsasabi na, iba na ang ubas at strawberry na napapaganda at napapabunga lamang sa malamig na lugar at upland area tulad ng Benguet, Baguio at La Union.

Sinubukan ni Marjon na magtanim ng ubas at strawberry sa kanyang mini farm at ini-apply nito ang Tender, Love and Care (TLC) sa kanyang mga tanim.

Lumipas ang isang taon ay namulaklak at nagbunga ng marami at maganda ang kanyang mga ubas na brazilian variety na kulay green ang balat pero napakatamis ng lasa.

Mula sa dating apat na puno ng ubas, nga-yon ay may 40 puno na ang tanim na grapes ni Marjon sa kanyang mini farm.

Dinarayo ng marami ang mini farm ni Marjon para tingnan ang kanyang mga tanim.

Madalas ay maraming taong namamasyal sa mini farm ni Marjon para mag-relax at kung nagkataon na hinog ang mga bunga maaaring mamitas bago bayaran o “pick and pay.”

Naturally grown ang mga tanim sa mini farm ni Marjon, kung saan ang ginagamit nitong pataba ay cow at carabao manure na kanyang pinupulot sa bukirin sa kanilang lugar sa Florida Blanca.

Bagamat may mga staff si Marjon pero t “hands on” sa pag-aalaga sa kanyang mga tanim.

May tanim ding guapol o bayabas na mistulang apple dahil sa laki ng mga ito at hitik din kung mamunga.

Maging ang mga tanim na langka niya ay hataw din kung mamunga at matatamis ang lasa.

Mayroon din tanim na saging si Marjon na kung magbunga ay sumasayad sa lupa ang mga buig niya.

Bukod sa mga fruit bearing trees ay mayroon ding tanim na vegetables si Marjon at mga flowering plant na lalong nagpapatingkad sa ganda ng tanawin sa mini farm.

Ginagamit na rin ngayon ang mini farm bilang garden wedding at reception sa mga nais magrenta sa lugar.

Mayroon na ring mini restaurant sa loob. Si Marjon ay binata pa at tinaguriang batang plantito sa kanilang lugar.

Nitong nakalipas na taon ay ginawaran siya bilang Most Inspiring Young Farmer, Influencer and Advocate for Indigenous Peoples Award ng Phippine Golden Eagle Award na ginanap sa Okada Hotel.

Silver Play button awardee na rin si Marjon ng Youtube dahil sa mahigit sa 100,000 follower nito.

Dalawang beses nang nai-guest sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter si Marjon. Ang una ay noong kasagsagan ng pandemya ng Covid 19 kung saan virtual ang interview sa kanya.Ang ikalawa ay   nakalipas na Linggo lamang at mainit ang pagtanggap ni Marjon sa buong team ng Masaganang Buhay.

Marami pa ang development na nais gawin ni Marjon sa kanyang mini farm para lalo pang masiyahan ang mga bibisita sa kanyang lugar.

Kapag nag-cuttings at pruning si Marjon ng kanyang ubas, mara-ming runners ang kanyang mga strawberry at nagbebenta si Marjon sa mga nais magtanim at magparami nito.Maaari kay ong mag-inquire kay Marjon sa pamamagitan ng pag-text sa kanya sa 0995-145-57-30 at kayo ay magpakilala. Huwag po kayong tatawag.

Sa Linggo, June 2,  2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Marjon at tour sa kanyang mini farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with