^

PSN Opinyon

Kailangan maraming traffic enforcer

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG dayuhan ang magmamaneho sa mga lansangan ng Metro Manila, magugulat siya’t magtataka kung bakit ma­dalang ang insidente ng road rage. Maraming video sa YouTube ng mga Amerikano na sangkot sa road rage dahil sa simpleng insidente lang. Iba nauuwi lamang sa “senyasan” pero ang iba nauuwi sa sagutan at sakitan.

Sa pangkalahatan, ang mga Pilipino ay mas mapagpa­raya sa mga masasamang driver maliban kung ang pag­labag o insidente ay lantaran na at hindi katanggap-tanggap. Isang halimbawa ay ang pag-counterflow kung saan ito ay hindi pinapayagan. At habang ang paglabag ay nakunan sa dashcam, halos hindi nakikita ang traffic enforcer na namagitan at sinisita ang nagkasala.

Ang isa pang karaniwang paglabag ay ang hindi pagpansin sa “yellow box”. Ang “yellow box” sa kalsada ay nanga­­ngahulugan na hindi dapat huminto sa loob ng mga ito upang panatilihing bukas ang intersection o upang panatilihing bukas ang kalsada para sa mga emergency na sasakyan tulad ng mga trak ng bumbero at ambulansiya. Ito ay napa­kasimpleng sundin ngunit meron pa ring kulang sa sentido komon.

Muli, walang nakikitang traffic enforcer na sumisita sa mga lumalabag sa “yellow box.” Ang problema ay nakasa­lalay sa katotohanang ang mga enforcer ay karaniwang namamahala sa malalaking intersection, kung saan may mga ilaw trapiko. Tila naghihintay lang sila ng lalabag sa red-light para “maghanap-buhay”. Alam na ninyo iyan. Kung ang mga patakaran at regulasyon sa trapiko ay hindi mahigpit na ipinapatupad, magkakaroon talaga ng pagiging kampante na lumabag.

Kailangan ng mas maraming traffic enforcer na nama­mahala sa mga pangunahing intersection sa Metro Manila. Ang mga Pilipino ay mayroon ding saloobin na “kung ma­kakalusot ako, gagawin ko”. Nakikita ito ng mga sasak­yang hindi sumusunod sa pulang ilaw dahil walang enforcer.

ENFORCER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with