OFWs sa Italy, napa-‘sana all’ sa healthcare benefits ng Makatizens
(Part 1)
Short but sweet ika nga ang naging interaksyon ko sa may 60 lider ng Overseas Filipino Workers (OFW) communities sa Rome. Nasa bansa ako para dumalo sa Vatican-led Climate Change summit at nagkaroon ng pagkakataong makilala at makasalamuha ang ating mga kababayang matagal nang nagtatrabaho doon.
Mainit ang naging pagtanggap nila sa akin at ramdam ko ang kanilang sigla at suporta habang masigasig silang pumapalakpak nang ikuwento ko ang iba’t ibang healthcare benefits at serbisyong tinatamasa ng Makatizens.
Bilang Mayor ng Makati, ginawa kong better ang social services, at ngayon ay nagsisilbing modelo tayo para sa ibang mga lokalidad sa bansa. Ibinahagi ko sa ating mga kababayan na sa tamang pamumuno at matibay na political will, posible talagang magbigay ng libreng access sa de-kalidad na healthcare services at facilities. Ito ay aming patuloy na isinusulong sa Makati, hindi lamang bilang isang programa, kundi bilang isang pangako sa bawat Makatizen.
Habang naroon ako, naantig ang damdamin ko sa reyalidad na maraming OFW ang nagdadalawang-isip na umuwi sa Pilipinas kapag nagretiro na, lalo pa’t napakamahal ng health care sa bansa.
Ang mga ganitong kuwento ang nagtutulak sa akin na lalo pang pagbutihin ang ating mga serbisyo upang maging isang halimbawa ng mahusay na lokal na pamamahala sa aspeto ng pangkalusugan.
Gusto kong maging inspirasyon ang Makati hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang developing cities, na kaya at pwedeng ibigay ang mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at iba pang mahahalagang serbisyo sa kanilang mga mamamayan.
(Itutuloy bukas)
- Latest