^

PSN Opinyon

China nambubusabos hanggang sa Africa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nakakagalit, nakakakilabot ang asal ng Chinese sea poachers sa Pacific, Atlantic at Indian Oceans. Ulat ito ng Economist magazine nu’ng Abr. 13:

  • Kapag nakalambat sila ng pating, tinatapyas ang pa­­lik­pik para sa mamahaling sharkfin soup. Hinahagis sa dagat ang mga kawawang isda na nangangamatay sa sugat at lunod.
  • Kapag dolphin ang nabitag, binabaril ito. Hinihiwa ang ngipin para i-barter ng whiskey sa ibang barko.
  • Kinakabitan ang mga lambat ng panti na maliliit ang mata para masilo ang mga munting isda na para lang sa maliliit na mamimingwit.

Ulat ito ng Environmental Justice Foundation ng London nu’ng 2017-2023. Patuloy pa rin ang pambubusabos ng Chinese poachers.

Inaalipin ng kapitan at kapatas ng Chinese trawlers ang mga dayuhang trabahador. Karamihan dito ay recruits sa Latin America at Africa. Meron ding Indonesians at Pilipino.

Bambo ang panggising sa kanila. Karaniwang trabaho ay 20 oras kada araw. Katiting ang tubig at pagkain. Sa isang barko, dalawang katre lang ang tulugan ng walong taga-Mozambique, ulat ng EJF. Wala silang kubeta; luma­lambitin lang sa gilid ng trawlers para dumumi.

Ginugulpi ang mga umaangal. Binabawasan ng sahod. Kinukumpiska ang passports nila. Apat na ang namatay, isa sa pagpapatiwakal, ayon sa EJF.

Nu’ng 2022, 177 ang Chinese distant-water fleets, yabang ng State Council Information Office ng People’s Republic of China. Meron silang 2,551 barko. Ine-escort sila ng People’s Liberation Army-Navy.

Pinapasok nila ang exclusive economic zones ng Palau, Papua New Guinea at Ecuador sa Pacific. Pati Gambia­, Sierra­ Leone, Mauritania, Senegal, Guinea Bissau at Guinea­ sa Atlantic­. At Madagascar, Mozambique, Tanzania, at Kenya sa Indian Ocean.

vuukle comment

CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with