^

PSN Opinyon

Makati, ginawaran ng Data Privacy Seal of Compliance

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

NOONG Mayo 6, ginawaran ng eBiZolution ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Data Privacy Seal of Com­pliance. Dapat itong ipagmalaki dahil tayo ang kauna-unahang local government unit sa Pilipinas na nakatanggap ng ganitong pagkilala.

Iginawad ang parangal bilang pagkilala sa pagsunod­ natin sa Data Privacy Act ng 2012. Ang pagkilalang ito ay resulta ng pagtutulungan ng Office of the Mayor - Information and Communication Technology Office (OM-ICTO) at ng Law Department. Nakamit ng Makati ang 32-Point Data Privacy Accountability at Compliance framework ng National Privacy Commission, naisakatuparan nang maayos ang Privacy Management Program, at patuloy ang pagtupad sa Limang Haligi ng Data Privacy Accountability at Compliance ng NPC.

Ipinapakita ng sertipikasyong ito ang dedikasyon ng Ma­kati sa pagprotekta ng personal na impormasyon at mga karapatan sa privacy ng #ProudMakatizens at ng lahat ng stakeholders. Dahil dito, mas lalong tataas ang tiwala ng mga residente at negosyo sa lungsod, dahil alam nilang protektado ang kanilang datos. Tinitiyak din nito na mas secure ang ka­buuang paghawak ng impormasyon sa lungsod.

***

Masayang tinanggap ng Makati ang mga opisyal mula sa German Federal Ministry for Economic Affairs and Climate Action para sa isang trade mission sa Makati City Hall noong May 9. Nagkaroon tayo ng pagkakataong ibahagi sa kanila ang mga kasalukuyang development ini­tiatives, pati na ang trends at opportunities sa sustainable transport at urban environment na pinag-aaralan ng lungsod.

Pinangunahan ni German Federal Ministry Executive Officer Lennart Heinze ang delegasyon na kinabilangan din ng mga kinatawan mula sa German companies, tulad ng CSD Transport Software GmbH, FOGTEC Brandschutz GmbH, Iris Sensing GmbH, Frankische Industrial Pipes GmbH & Co. KG, AHP International GmbH, at Orissa International.

***

Dumalo po ako sa  City Mayors’ Roundtable on Smart Cities at the AIM Congress sa Abu Dhabi, UAE mula May 7 hanggang  9. Isa sa mga naibahagi ko doon ay ang epektibong paggamit ng Makati ng digital tools para mapalakas ang ating sustainability, efficiency, at inclusivity efforts. Sa kooperasyon ng UN-Habitat at WeGO, binuo ang event na ito para palakasin ang pagtutulungan at positibong pagbabago sa hanay ng mga pinuno ng mga siyudad sa buong mundo.

Karangalan kong makibahagi sa pagpupulong ng mahigit 100 ministers, city mayors, central bank governors at 900 speakers sa loob ng tatlong araw na conference. 

 

DATA

PRIVACY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with