^

PSN Opinyon

Walang water cannon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Sabado, naglabas ng pahayag ang China Embassy na kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines-Western­ Command ang tinatawag na “new model” sa pagtugon ng mga isyu sa West Philippine Sea (WPS) ay inapruba nina Defense Sec. Teodoro at National Security Adviser Eduardo­ Año. May mga rekord pa raw sila ng mga negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa. 

Pero pinabulaanan ni Teodoro ang mga pahayag ng China. Panlilinlang lamang ito na karaniwang istilo ng China. Sinabi naman ni Año na “na walang katotohanan, katawa-tawa, at kalokohan” ang sinasabing bagong kasundun. Wala raw inutusang opisyal si President Bongbong Marcos Jr. na pumasok sa anumang kasunduan sa China hinggil sa WPS. Wala ring dahilan ang AFP na imbestigahan si AFP Wescom head Vice Adm. Alberto Carlos sa isyung ito. Gawain lang talaga ng China ang panlilinlang para mag­tanim ng duda sa isipan ng mamamayan.

 Hindi rin pumayag si Marcos na maglagay ng mga water­ cannon sa mga barko ng Pilipinas para pambawi sa mga ginawa ng China. Kung gagawin ito, siguradong iinit nang husto ang tensiyon sa WPS. Idadaan pa rin sa diplomasya ang mga isyu sa WPS. Nasa panig naman natin ang mga bansa.

Ayaw bumaba sa lebel ng Chinese Coast Guard si Marcos sa kanyang utos na ipagbawal na lagyan na rin ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas. Sa ngayon, ang simpa­tiya ng mga bansa ay nasa Pilipinas. Baka naisip na kung sakaling pumalag na rin tayo sa China ay isipin ng mga bansa na problema na natin ito. Pero iniisip ko rin ang ating mga mamamayan at tauhan ng Philippine Coast Guard na tinitiis na lang ang pananakit sa kanila. Hihintayin na lang ba na may masaktan o kaya’y masira nang lubos ang barko at lumubog? Mahirap talagang balansehin ang diplomasya at pagtanggol sa sarili kung umabot sa ganyan.

 Kailangang ituloy ang imbestigasyon ng Kongreso sa umano’y “gentleman’s agreement” ng Duterte adminis­tration at China. Kailangang ipaliwanag kung meron man o wala, at ano ang saklaw ng kasunduan.

ARMED FORCES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with