^

PSN Opinyon

Mula sa war zone tungo sa economic zone

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Alam n’yo ba na sa kabila ng teribleng tagtuyot, maganda ang produksiyon ng palay sa Cotabato at Maguindanao? Aba, tingin ko lalo pang sisigla ang agricultural production kapag isinulong na ang programa na naglalayong i-convert ang dalawang lalawigan sa economic zone.

Ang Maguindanao at Cotabato ay dating sentro ng dig­maan kaya hindi nakumpleto agad ang implementation. Ngunit ang administrasyon ni President Bongbong Marcos ay planong gawing isang economic zone ang mga lalawigan.

Determinado ang gobyerno na paunlarin ang mga ito sa pagpapatuloy ng isang programang nakatakda sanang ipatupad ng ama ni PBBM na si Ferdinand Marcos Sr. pero 1989 na nang mapasimulan sa dahilang alam na natin.

Ang ipagpapatuloy na programa ay ang Malitubog Madri­dagas Irrigation Project (MMIP) na inilunsad upang pasiglahin ang agrikultura at kabuhayan sa rehiyon.

Ang Phase I ay sinimulan noong 1989 na sasaklaw sa 5,562 ektarya sa Maridagao at 1,611 ektarya sa upper Mali­tubog. Ang Phase II ay ginawa noong 2011 hanggang­ 2015 na sumakop sa mga taniman sa Pangalungan at Datu Mon­tawal sa Maguindanao del Sur at Pikit at Alaosan sa Cota­bato. Ang sumunod na yugto ay sumaklaw sa 9,528 ektarya.

Nitong taong 2024, itinuloy na ng administrasyong Marcos­ ang programa. Umaasa ang lahat na wala nang makaaantala sa pagkumpleto sa proyekto upang maahon na sa kahirapan ang mga kababayan sa mga nasabing lalawigan.

MAGUINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with