^

PSN Opinyon

Impeksiyon sa ihi, kidney at prostate; Tips kapag may arthritis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang urinary tract infection (UTI) ay impeksyon sa kidneys, ureters, pantog (bladder) o urethra. Ang gamutan ay antibio­tics at baguhin ang lifestyle o kinagawian.

Gumamit ng mild soap o hindi matapang na sabon na panglinis ng puwerta. Sa mga babae ay ang tamang pagpunas sa pag-ihi ay simula sa harap muna papuntang puwitan. Mali kung simula sa puwitan papuntang harapan.

Uminom nang maraming fluids para ma-flush out ang mga bacteria.

Magsuot ng mas maluwag na pantalon at cotton na underwear para mas mahangin. Habang naka-antibiotics ay mainam kumain ng yogurt.

Ang pyelonephritis naman ay impeksiyon sa kidney mula sa bacteria. Ang pasyente ay nilalagnat, masakit ang balakang, madalas umihi, o merong dugo sa ihi.

Pag may bato sa bato (kidney stones), magbawas sa matinding ehersisyo tulad ng mahabang pagtakbo at hazing.

Sa urine test o urinalysis, sinasahod ang midtsream o gitnang labas ng ihi na may dami na mga 10 ml at ibibigay sa laboratoryo.

Problema sa pag-ihi:

Kapag nahihirapang umihi, maaaring may kaba o de­pende sa lokasyon kung saan umiihi. Sa lalaki, puwedeng lumaki ang prostate gland at naiipit ang tubo sa pag-ihi, o may kanser sa prostate o prostatitis. Puwede rin may problema sa urethra dahil may impeksiyon, sugat o dumaan na bato.

Kapag madalas umiihi (polyuria) ay maaaring dahil umi­nom ng kape, tsaa, alak, buntis, natatakot, o may impek­syon sa pantog.

Ang may diabetes ay madalas maihi, may rashes at yeast infection, at minsan ay may bladder prolapse o buwa (pelvic organ prolapse). Kung umiinom ng gamot na pampaihi ay madalas ding mapapaihi.

May pagkakataon na konti ang ihi (oliguria) pag may glomerulonephritis, kidney failure o dehydration kung nagtatae.

Dagdag kaalaman:

Ang glomerulonephritis ay pagkasira ng pansala (Glomeruli) ng kidneys. Maaring bigla o acute glomerulonephritis, o matagal na o chronic glomerulonephritis.

Ang prostatitis ay impeksiyon sa prostate.

* * *

Tips kapag may Arthritis

Alam ng mga may arthritis na kapag taglamig ay mas masakit ang kanilang kasu-kasuan. Para bang naninigas ang kanilang litid at nahihirapan silang galawin ang kanilang kamay at paa sa umaga.

Osteoarthritis ang tawag sa sakit na ito. Maraming tao ang magkakaroon nito sa pag-edad.

Tips:

1.Magsuot ng guantes at medyas sa gabi para hindi malamigan ang iyong kamay at paa,

2.Magsuot ng jacket kung maginaw sa iyong pupuntahan,

3.Paggising sa umaga, mag-unat-unat muna ng kamay at paa para lumuwag ang mga litid. Pagkaraan ng 30 minutos ay mababawasan na ang paninigas ng iyong kamay at paa,

4. Kung kayo’y mataba, magbawas ng timbang para hindi matagtag ang iyong tuhod at paa.

5.Lagyan ng hot water bag ang parteng masakit. Subukan pa ring i-galaw-galaw ang katawan para hindi tuluyang tumigas ang mga buto.

6.Huwag agad uminom ng pain reliever at baka makasama ito sa katagalan. Magpatingin sa doktor.

LIFESTYLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with