Masasayang ganap ngayong Abril para sa Proud Makatizens! ‘
Tapatan natin ng saya ang sobrang init na panahon ngayong Abril. Patuloy na nagpaplano ang pamahalaang lungsod ng masasayang ganap para sa ating mga residente sa kabila nang tumataas na temperatura na ating nararanasan. Noong Friday ay buong galak naming binuksan ang Makati Food Festival sa Ayala Malls Circuit. Kasama ko ang aking asawang si Cong. Luis Campos, si Vice Mayor Monique Lagdameo, Cong. Kid Peña, at Makati City Councilors sa pag-iikot sa maraming food stalls para matikman ang mga pagkaing kanilang handog. Halos lahat na yata ng pagkain ay narito! Mayroong tacos, street foods, pasta at sausages at masasarap na desserts! Patok ang ice cream sa ganitong panahon.
Pero bukod sa maraming pagkain na puwedeng masampolan ng Proud Makatizens, maraming gaganaping cooking demo mula sa mga kilalang Master Chefs. Kabilang dito sina Chef Jessie Sincioco, Sau del Rosario, Jayjay Sycip, Rhea Sycip, Konrad Nuñez, Ramon Antonio, Decker Gokioco, Erling Rune, Hubertus Cramer, at Giney Villar. Mayroon ding bahagi ng Food Festival na gaganapin sa Plaza Cristo Rey, Bgy. Poblacion. Ang tatlong araw na selebrasyon ay pagpupugay sa buhay na buhay na food scene ng Makati. Sa dami ng restaurants, bars, at iba’t ibang dining establishments dito sa lungsod, tunay na food destination nga ang Makati. Bukod dito ay certified foodies tayong Proud Makatizens. Kapag may bagong bukas na restaurant o food establishment, nagpaplano agad na pumunta para hindi mahuli sa chika kung masarap ba talaga.
***
Inaanyayahan ko ang lahat na pumunta sa Tik Talk sa SM Makatizen Hub sa 3rd floor ng SM Makati ngayong Abril 22, mula 1:00 p.m. hanggang 5:00 p.m.
Puwede n’yo akong makausap nang personal para magtanong o ilahad ang inyong mga hinaing. Handa rin akong makinig sa mga suggestion at kuwento n’yo. Ginawa namin ang Tik Talk para madaling makalapit ang Proud Makatizens sa akin. Kahit lagi akong nakikita sa social media, iba pa rin ang personal na interaksyon at pakikisalamuha sa inyo bilang punong lungsod. Kapag personal tayong mag-uusap, mas mabilis na matutugunan ang inyong mga problema. Kita-kits mamaya ha, antayin ko kayo!
***
Open for all na ang #MASSayangWedding. Taga-Makati man o hindi, puwedeng-puwedeng mag-“I DO” sa Makati City Hall. Paalala lang, ako po ang magtatakda ng date kung kailan kayo magpapakasal. Kadalasan, ito ay kada-Miyerkules, pero maaring magbago depende sa sitwasyon. Siguruhing kumpleto ang requirements bago ikasal. Kung Makati resident, ipasa ang requirements sa City Civil Registration Office para sa endorsement nito sa Office of the Mayor. Kung non-Makati resident, antayin ang kumpirmasyon mula sa Office of the Mayor para sa pagpasa ng requirements. Para sa mga katanungan, tumawag sa Office of the Mayor sa 8870-1102 o sa City Civil Registration Office sa 8870-1305.
- Latest