^

PSN Opinyon

Kongreso obligahing ibawal ang dynasties

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Obligahin ang Kongreso isabatas ang pagbawal sa political dynasties. Petisyon ‘yan sa Korte Suprema ng apat na abogado.

Graduates ng UP College of Law 1976 sina Rico V. Domingo, Wilfredo M. Trinidad, Jorge L. Cabildo, at Ceasar G. Oracion. Petition for mandamus ang isinampa nila sa Korte Suprema. Ibig-sabihin, ipinatutupad nila sa kataas-ta­asang korte ang mandandong trabaho ng Kongreso kontra sa dynasties. Ipinag-uutos kasi ‘yon ng Konstitusyon.

Saad kasi ng Artikulo II, Pahayag ng mga Simulain at mga Patakaran ng Estado, Seksyon 26: “Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga di­nastyang pulitikal ayon sa maaaring ipakahulugan ng batas.”

Hindi tinukoy ng apat na abogado kung ano ang dynasty. Bahala na raw ang Kongreso idetalye ito, ani Domingo sa Sapol-DWIZ. Dating presidente siya ng prestihiyosong Philipine Bar Association.

Maaring gamitin ng Kongreso ang depinisyon ng dynasty ng 2018 Constitutional Commission. Ani dating Chief Justice Reynato Puno sa Sapol-DWIZ, dynasty ang sabay-sabay o sunud-sunod na paghalal sa mag-kamag-anak hanggang second degree of consanguinity (kadugo) o affinity (kasal). Sakop nito ang mag-asawa, anak, kapatid­, lolo’t lola, apo, lehitimo man o sa labas.

Dynasties ang ugat ng karalitaan. Anang saliksik ni Ateneo School of Government Dean Ronald Mendoza, PhD. Ku’ng saan pinakamatagal nang may dynasties ay mas dukha ang mamamayan. Kontrolado ng dynasties ang mga partido, at mga lokal na radio-tv stations at diyaryong pangkomunidad.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ABOGADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with