Paano maiiwasan na magka-pimples
Karaniwang nagkakaroon ng pimples ay ang mga: 1) teenager; 2) mga umiinom ng oral contraceptive pills; 3) mga buntis; 4) bago mag-menopause; at 5) may lahi nang maraming pimples.
Gawin ang mga sumusunod para makaiwas na magkaroon ng pimples:
1. Palitan ang oil-based make-up ng water based or oil free make-up.
2. Maghilamos na maigi sa gabi gamit ang mild soap at tubig. Pagkatapos ay saka maglagay ng gamot sa pimples.
3. Sa paglalagay ng mga gamot sa pimples, tulad ng benzoyl peroxide, ilagay ito sa mismong pimples at sa paligid nito. Huwag ikalat. Dagdagan pakonti-konti ang paglalagay kapag hindi gumagaling.
4. Kapag naglalagay ng mga gamot para sa pimples, iwasang magpaaraw.
5. Subukang ihilamos sa umaga at sa gabi ang malamig na chamomile tea para ma-improve ang pores ng kutis.
6. Ang paglagay ng make-up sa pimples ay gawing foundation muna tapos powder tapos foundation ulit.
(Mula sa kolumnista: mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, mapa-online, YouTube at iba pang channel ang artikulong ito.)
- Latest