^

PSN Opinyon

Uminom ng 8 basong tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Alam n’yo ba na ang utak natin ay may 74 percent na tubig? Ang masel natin ay 75 percent na tubig. Kahit ang matigas nating buto ay may 22 percent na tubig.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit napakara­ming Pinoy ang ayaw uminom ng tubig. Mayroon diyan, tatlong baso lang kung uminom sa isang araw. Kulang ito. Narito ang mga sakit na matutulungan ng pag-inom ng tubig:

1. Para sa sakit sa bato – Ang sanhi ng bato sa bato (kidney stones) ay ang kakulangan sa tubig. Dahil dito, nagi­ging madilaw ang ihi at namumuo tuloy ang bato. Mag-ingat at baka tumuloy sa kidney failure at dialysis.

2. Para sa impeksyon sa ihi – Kapag kulang sa tubig, mas kakapitan ng impeksyon sa ihi o balisawsaw.

3. Para sa lagnat – Nakapagpapababa ng lagnat ang pag-inom ng tubig. Ito’y dahil maiihi ang “init” sa katawan. Painumin ng tubig at juice ang mga may lagnat.

4. Para sa ubo, sipon at trangkaso – Ang sapat na tubig ay nagpapalabnaw ng sipon at plema. Mas bibilis din ang paggaling sa trangkaso.

5. Para sa pangangasim ng tiyan – Malaki ang tulong ng tubig para mahugasan ang acido sa sikmura. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang ulcer, impatso at sakit ng tiyan. Mas gusto ng tiyan ang maligamgam na tubig.

6. Para lumakas – Kapag kulang ka sa tubig, magiging matamlay ka at manghihina. Kapag mainit ang panahon, uminom nang maraming tubig.

7. Para sa sakit ng ulo – Nakatutulong ang tubig sa pagtanggal ng migraine.

8. Para pumayat – Bago kumain, uminom muna ng 1-2 basong tubig. Mabubusog ka nito at hindi ka mapapakain nang marami. Hindi nakatataba ang tubig.

9. Para gumanda – Ito ang mahalaga sa lahat. Ang beauty secret ng mga dermatologists ay tubig lang. Kapag kulang sa tubig, lulubog ang iyong mata at kukulubot ang balat. Uminom ng tubig para kuminis at kumintab ang kutis. Umiwas din sa araw para hindi kumulubot.

10.Anong klase ng tubig ang dapat inumin? Uminom ng bottled water, purified water o pinakuluang tubig. Hindi nakasisiguro na ligtas ang tubig sa gripo.

* * *

Mga sustansyang taglay ng itlog

Isa sa mga madalas na kinakain sa agahan ay itlog. Kadalasan itong piniprito o nilalaga. Puwedeng kumain ng itlog anim o pitong beses sa isang linggo. Ang itlog ay magandang source ng protina. May taglay itong mga essential amino acid na kailangan ng ating katawan lalo na upang mapanatili ang ating muscle mass at strength.

May taglay din itong fats. Marami rin itong vitamins and minerals.

Mayroon itong vitamin A para sa malusog na mata, vitamin B para sa utak at ugat, vitamin D para sa malusog na buto at vitamin E para proteksyon mula sa sakit.

May taglay itong iron para maging malusog ang ating dugo, calcium para malusog ang buto at ngipin, lutein para sa mata at zinc na nakakatulong upang maging malusog ang ating tissues at mabilis na gumaling ang mga sugat.

Mas mainam kung ilalaga ang itlong kaysa iprito upang hindi masyadong mamantika.

(Mula sa kolumnista: mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, mapa-online, YouTube at iba pang channel ang artikulong ito.)

ITLOG

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with