^

PSN Opinyon

Mabilis na tugon vs pertussis

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

GAYA nang naipangako natin, mabilis ang ginawang pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa harap ng banta ng pertussis sa ating siyudad.

Sa sama-samang pagkilos ng iba’t ibang tanggapan ng siyudad, nakabili agad tayo ng bakuna at antibiotics para pangontra sa pertussis, na kilala rin bilang “whooping cough”.

Kabilang na rito ang mahigit 3,500 vials ng 6-in-1 vaccine, 1,012 bote ng Azithromycin at 1,000 bote ng Clarithromycin. Ito ay ibibigay sa mga bata edad anim na linggo pataas.

Maliban sa pertussis, ang 6-in-1 vaccine ay magbibigay-proteksiyon sa mga bata laban sa diphtheria, tetanus, polio, haemophilus influenzae at hepatitis B. Ginagamit naman ang Azithromycin at Clarithromycin bilang antibiotics para sa mga pasyenteng nagpositibo sa pertussis.

Agad nating inaprubahan ang pagbili ng mga nasabing bakuna at antibiotic para mabilis na mabigyan ng aten­syong medikal ang mga kasalukuyang tinamaan ng pertussis­. Bukod pa riyan, makatutulong ang pagbabakuna para maprotektahan ang ating QCitizens sa lalo pang pagkalat ng nasa­bing sakit.

Ipamamahagi ang mga nasabing bakuna at gamot sa ating mga health center, lalo na sa mga lugar na mataas ang bilang ng pertussis. Ito’y pansamantalang solusyon ng siyudad habang hinihintay natin ang pagdating ng dag­dag na supply ng bakuna na binili ng Department of Health (DOH).

Nagpapasalamat tayo sa DOH, lalo na kay Secretary Ted Herbosa, sa kanilang pagtiyak na gumagawa ito ng mga kaukulang hakbang para masugpo ang pertussis. Nangako rin sa atin ang DOH ng sapat na suporta sa ating kampanya kontra Pertussis, lalo na pagdating sa pagbabakuna sa ating QCitizens.

Sa huling tala ng Epidemiology and Disease Surveillance Division, mayroon nang 41 kaso ng pertussis ang siyu­­dad, kabilang ang anim na nasawi. Batay pa sa datos, nasa 60 porsyento o 21 kaso ay mga sanggol na wala pang anim na buwan ang edad. Ang edad naman ng mga pasyenteng may pertussis ay mula 22 araw hanggang labintatlong taong gulang.

Nagpaabot na rin ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya ng anim na bata na namatay sa sakit. Inuulit ko, walang dapat ipangamba ang QCitizens sa Pertussis dahil lahat ng paraan ay ginagawa at gagawin natin para makontrol ang pagkalat ng sakit na ito.

vuukle comment

PERTUSSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with