^

PSN Opinyon

Hudas

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

He “Hudas” not defend the country’s sovereignty against foreign invaders  when he can is a traitor.

Ipinamalas ni dating Presidential Spokesman Harry Roque ang kanyang kataksilan at ang nagdaang administrasyon sa Inambayan sa nakagigimbal niyang pahayag kamakailan.

Inamin niya na nagkaroon ng “gentleman’s agreement” ang noo’y Presidente Duterte at Chinese President Xi Jinping. Ang kasunduan ay panatilihin ang status quo sa West Philippine Sea, basta’t puro pagkain lang ang irarasyon ng militar sa mga tauhan nito sa BRP Sierra Madre. Hindi maaaring magdala ng construction materials upang kumpunihin ang barko na nakahimpil sa Ayungin Soal.

Status quo? Ibig sabihin, hindi natin tututulan ang mga artipisyal na isla sa WPS at ang ginagawang paninira ng China sa natural resources ng pamahalaan?

Bawal ding ayusin ang nabubulok na barko hanggang ito ay kusang magiba? Nais kasi ng China na tuluyang mawala ang barko upang wala nang sagabal sa inaangkin nilang teritoryong pangkaragatan.

Ibig bang sabihin ni Roque na yumuyukod na tayo sa hangarin ng China na  gawing bahagi ng naturang bansa ang Pilipinas? Iyan ang basa ko sa kanya.

Kung noong panahon ng Hapon ay mayroong tinatawag na Makapili o mga Pilipinong nagkakanulo sa kapwa Pilipino sa mga Hapones, ngayon ay mayroon pang mga taksil na ibig ibenta ang ating soberenya.

Mga kapwa ko Pilipino, kung nananalig pa kayo sa nakaraang administrasyon, magising na sana kayo maliban na lang kung talagang gusto ninyong masakop nang tuluyan ng isang bansang walang Diyos.

HUDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with