^

PSN Opinyon

Rep. Acop, habulin mo si alyas Nano!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi umuubra ang tikas ni Antipolo City Rep. Romeo Acop sa angas naman ng tong kolektor na si alyas Nano. Si Acop mga kosa ay isa sa main players ng hearing ni Laguna Rep. Dan Fernandez, ng House Committee on Public Safety laban sa illegal gambling. Kaya sa unang bugso ng hearing, abayyy nagsarahan ang mga pasugalan sa Antipolo at iba pang lugar sa Calabarzon.

Subalit sa ngayon, nag-iikot sa mga pasugalan si Nano at ang ibig bang sabihin nito ay bukas na ang kalakaran sa Antipolo City at Rizal province? Sanamagan! Hehehe! Si Acop ay dating hepe ng CIS (CIDG ngayon) kaya alam na alam niya ang takbo ng illegal gambling. Kaya tiyak hahabulin ni Acop si Nano. Mismooooo!

Pamilyar si Nano dahil naibulgar ko na ang raket niya ilang taon na ang nakararaan. Kung noon ang gamit ni Nano ay ang mayor’s squad, sa ngayon ay ang opisina naman ni Antipolo City Mayor Junjun Ynares. Araguyyyyy! Ayaw ni Ynares ng ganyan.

Hindi lang ‘yan, maging ang opisina ni Antipolo City police chief Lt. Col. Ryan Manongdo ay ibinabandera rin ni Nano. Eh di wow! Hindi lang si Acop ang hahabol kay Nano kundi maging sina Ynares at Manongdo, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun! Hehehe! Abo’t langit naman ang paglilinaw ng mga kosa ko na malinis ang pangalan ni Manongdo dahil hindi naman ito nakikipag-usap sa financiers ng illegal gambling. Owww!

Ayon sa  mga kosa ko, ang hirit ni Nano sa financiers ay P35,000 kada puwesto. Sa EZ2, lotteng at iba pa kaya o sa perya? Aniya, P30,000 dito ay sa opisina ni Manongdo samantalang ang natitirang P5,000 naman ay sa mayor’s squad. Wowww ha! Plantsado ang lakad ni Nano.

Ang pagyayabang pa ni Nano ay hindi pa kasama riyan ang partikular n’ya o ang para sa sarili niyang bulsa. Kaya nakakatipid pa ang mga illegal gambling financiers sa raket ni Nano. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kapag hindi nakuha ni Nano ang kanyang target na lingguhang intelihensiya ang bukambibig niya ay: “Hindi kayo ang masusunod kundi ang amo ko.” Hindi naman niya binabanggit kung si Ynares ba ang amo niya o si Manongdo. Baka dalawa sila. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Tsk tsk tsk! May kahihinatnan si Nano kina Ynares at Manongdo. Get’s n’yo mga kosa? Sal-it!

Sinabi ng mga kosa ko na maaring nakamenos ang financiers ng illegal gambling dahil wala ngang partikular si Nano subalit panay naman ang lingguhang hirit. Kung hindi alak ang hinihingi abayyy kapag malasin ka, lechon naman na mas mahal sa lingguhang intelihensiya. Araguyyy! Ang palaging dahilan ay may bisita si hepe. Lumang style na ito subalit maliwanag pa sa sikat ng araw na bawi rin si Nano, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Teka nga pala, ano kaya ang role ng ex-cop na si alyas Tata Rudy sa raket ni Nano? Magkaalaman din tiyak sa susunod na mga araw. Sumisikip na ang kalyeng dinadaanan ni Nano. Ang sakit sa bangs nito. Abangan!

NANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with