^

PSN Opinyon

Sari-sariling basura, hindi inaasikaso

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Lahat gumagawa ng basura. Lahat ayaw itong ayusin.

Dalawampu’t tatlong taon na mula nung ipinasa ang Solid Waste Management Act. Hindi pa rin tumutupad­ kara­mihan ng 114 milyong Pilipino, 42,029 barangay, 1,485 munisipalidad, at 149 lungsod.

Takda ng RA 9003 paghiwa-hiwalayin ang apat na uri ng basura:

  • Nabubulok (biodegradable)  – pinagtalupan sa kusina, sobrang pagkain, buhok, kuko, alikabok, at anu pa mang likha ng Diyos;
  • Muling magagamit (recyclable) – garapon, kahon­, papel, plastic, kahoy, bakal, muwebles, at iba pang ma­aring­ ibenta;
  • Tira-tira (residual) – kontaminadong lupa, ceramics, gypsum board, linoleum, goma, gulong, tela, bote, electronics­;
  • Espesyal o mapanganib (hazardous) – gas, asido, kemikal na panglinis ng banyo o kotse, langis, break fluid, coolant, pintura, bombilya, fluorescent lamp, baterya, at iba pa.

Utos ng batas na turuan ng opisyales ng barangay lahat ng bahayan na maghiwa-hiwalay ng basura. Kukunin dapat ito ng barangay. Dadalhin sa sarili nitong materials recovery facility.

Sa MRF Iko-compost ang nabubulok – ibabaon nang 45-60 araw para gawing pataba sa tanim. Ibebenta ang ma­gagamit, dagdag pondo ng barangay. (Maari direktang magbenta ang maybahay.)

Tungkulin ng munisipalidad at lungsod kunin ang tira-tira at mapanganib na basura. Ibabaon ito sa malinis at inaa­sikasong landfill.

Pero kokonti lang ang gumagawa nito: Trece Martires City; ilang barangay sa Quezon City, Malabon, Navotas, at Pasig; at manakang-nakang pook sa Pampanga, Davao, Cagayan de Oro.

Hagupitin dapat ng Department of Interior and Local Government, at ng mga lungsod at munisipalidad na kumilos ang mga barangay.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

BASURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with