Kulay pulitika sa Quiboloy issue
TUMITINDI ang kulay pulitika sa kasong kinasasangkutan ng religious leader na si Apollo C. Quiboloy. Sa isang inilabas na reel ng mga kasapi ng sekta ng kontrobersyal na pastor, nagpakita ng pagsuporta ang mga miyembro sa kanilang leader at ang isa ay kinastigo mismo hindi lamang ang administrasyon kundi mismong si President Bongbong Marcos na tinawag na traydor. May pagbabanta pa na sila ang kikilos upang patalsikin si Marcos. Nakahanda raw silang magbuwis ng buhay para Kay Quiboloy.
Hindi kaya ang aksyon nilang ito ay talagang sa bentahe ni dating Presidente Duterte na kamakailan lang ay itinalaga ni Quiboloy bilang pangkalahatang administrator ng kayamanan ng bilyonaryong pastor? Hindi malayo ang posibilidad na ito. Noong una pa ay ipinakilala na ni Duterte si Quiboloy bilang matalik na kaibigan. Sanggang-dikit kumbaga.
Parehong may mabigat na isyung kinakaharap ang dalawa. Si Duterte ay nabibingit arestuhin sa paratang na crime against humanity dulot ng kanyang war against drugs.
Si Quiboloy naman ay nahaharap sa matinding kaso ng human trafficking na may kasama pang rape. Connecting the dots together, malamang mag-alyansa ang dalawa.
Pero sapat kaya ang bilang ng mga members ni Quiboloy para makagawa ng political tsunami na magpapataob kay Marcos? Marami man ang members ni Quiboloy, hindi magpapatalo sa kanila ang iba pang mga sekta na magkakaisa para kay Marcos.
- Latest