^

PSN Opinyon

Benefit sa high-risk pneumonia, damang dama

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Good news uli ito mula sa PhilHealth. Kamakailan ay tina­asan ang benepisyo ng mga miyembro sa high-risk pneumonia.

Ang moderate at high-risk pneumonia ay dalawa sa mga nangungunang most claimed benefits sa PhilHealth noong nakaraang taon, 2023. Nagbayad ang ahensya ng P7.1 billion sa mahigit 479,000 claims. Maraming kaba­taan at matatanda ang dinapuan ng sakit na ito.

Kaya nga ang benefit package ay itinaas upang maka­tugon sa tumataas na halaga ng paggamot at panga­nga­laga sa mga may ganitong karamdaman. Mula sa dating P32,000, ang package ay itinaas sa P90,100. Halos 200 percent pagtaas iyan! Lahat ng mga Pinoy na naospital­ dahil­ sa high-risk pneumonia ay mabebenepisyuhan basta’t sinerbisyuhan ng mga PhilHealth-accredited health facilities (pampamahalaan o pribadong ospital) saan mang panig ng bansa.

Sakop ng No Balance Billing ang gamutan ng pasyente kung siya ay na-confine sa ward ng private o public hospital. Ibig sabihin, wala nang babayaran ang pasyente dahil na­sagot na ng PhilHealth ang kabuuang gastos para sa con­finement.

Sa taong ito, makaaasa tayo sa mas pinaraming paki­nabang at benepisyo mula sa PhilHealth bukod sa mga ipinatupad na simula 2023 at ngayong taon. Ito’y sa ilalim ng kampanyang Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mamamayang Pilipino na layuning iparating sa milyun-milyong Pilipino ang mga bago at pinalawak na benepisyo.

Ilan na sa mga naunang pagpapalawak ay ang pagda­dagdag ng coverage para sa hemodialysis session, pagkakaroon ng outpatient mental health benefit package, pagtaas ng benepisyo ng ischemic at hemorrhagic stroke at maraming pang iba.

PNEUMONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with