^

PSN Opinyon

Sino ang nasa likod ni Sgt. Mayo?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAG-IWAN nang maraming katanungan ang kaso ni Sgt. Rodolfo Mayo Jr., ang pulis na nakuhaan ng 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa Tondo, Manila noong Oktubre 8, 2022. Maging sa hearing ni Rep. Robert Ace Barbers, ng House Committee on Dangerous Drugs ay walang konkretong kasagutan sa mga tanong ng mga usyoserong Pinoy. Puro espekulasyon lang ang nasabi ng aabot sa 82 resource persons na inimbitahan ni Barbers.

Kaya magsisilbing hamon kay DILG Sec. Benhur Abalos na halukayin ang katotohanan para hindi na maulit ang ganitong klaseng kaso ni Mayo sa hanay ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG). Lumalabas kasi na mga maliliit lang o gurami ang napaparusahan sa kampanya ng gobyerno laban sa droga. Samantalang ang malalaking isda ay iwas parusa. Mismooo!

Ang nais malaman ng mga Pinoy ay kung saan galing ang sangkaterbang shabu na nakumpiska sa WPD Lending office na nirentahan ni Mayo. Sinabi ni ex-PNP chief Rodolfo Azurin na ang shabu ay galing sa “savings” sa nakalipas na PDEG leadership at inimbak lang sa bodega sa Baesa, Quezon City at inilipat sa WPD lending.

Ang malaking bulto ng shabu ay galing sa NLEX operation, aniya. Sinabi pa ni Azurin sa hearing na nag-backtracking ang Directorate for Intelligence, subalit wala naman itong ipinakitang report para suportahan ang kanyang ibinulgar sa hearing. ‘Ika nga, ay puro haka-haka lang, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Nagbigay pa ng espekulasyon si Azurin na ang shabu ay inihahanda para pabanguhin ang sinumang papalit sa kanya bilang PNP chief. Nangyari kasi ang raid ilang araw bago magretiro si Azurin sa serbisyo. Sanamagan! “Sir, that prior to my assumption as the chief PNP Sir,  may hinahanda sila Sir na ipasasalubong sino man ang magiging PNP chief,” ang dagdag pa ni Azurin. Eh di wow!

Mukhang may pinatatamaan dito si Azurin ah. Pero lilinawin ko mga kosa, hindi ito si sitting PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., dahil walang bahid ang service record nito sa droga. Siyempre, ang espekulasyon ni Azurin ang tinamaan nang matindi  ay ang opisyal na tinutukoy niya. Hehehe! Nanggiba lang ng imahe ng kapwa niya opisyal ng PNP si Azurin, di ba mga kosa? Ang sakit sa bangs nito.

Ang pinakamagandang tanong na hanggang sa ngayon ay wala pang kasagutan ay: “Sino ang nasa likod ni Mayo?” Dipugaaaaa! Kay hirap sagutin ang tanong na ito, ‘no mga kosa? Sa ranggong sarhento, walang naniniwala sa mga kosa ko na mag-isang umakto si Mayo. Kasi kung may “savings” man, ibig sabihin n’yan marami ang nagsagawa ng operation at naitabi lang itong narekober na droga.

Maliwanag na may nagmando kay Mayo. Kung nakasuhan man sina ex-PDEG chief Brig. Gen. Narciso Domingo at iba pang opisyal, abayyy nakaligtas ang “amo” ni Mayo? Tahimik lang si Mayo at sa tingin ng mga kosa ko babaunin niya sa hukay ang sikretong ito. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaa! Hayyyy! Maraming katanungan na walang matinong kasagutan. Abangan!

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with