^

PSN Opinyon

Dalawang klase ng arthritis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang arthritis ay pamamaga ng kasu-kasuan. May dalawang­ klase ng arthritis:

1. Osteoarthritis — Sa pag-edad, halos lahat ng tao ay nag­kaka-osteoarthritis. Ang osteoarthritis ay pamamaga ng cartilage o butong-mura sa dulo ng mga buto dahil na­pud­pod, kaya masakit at maga mula sa pagkiskis o paggalaw.

Ang dahilan ng pagkakaroon ng osteoarthritis ay ma­aring namamana, dating injury o pinsala, sobrang pagta­trabaho at pag-edad.

Kapag mataba o mabigat ka, mas magdidikit-dikit ang buto sa likod at tuhod dahil sa bigat ng katawan.

2. Rheumatoid arthritis — Ang rheumatoid arthritis ay sakit sa immune system kaya namamaga ang lining ng kasu-kasuan.

Ang mga dapat kainin kapag may rheumatoid arthritis ay mga pagkaing laban sa pamamaga tulad mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tawilis, tamban, dilis, hasa-hasa, galunggong, at talaba.

Kumain din ng mga antioxidants o mayaman sa vitamin C tulad ng papaya, kalamansi, suha, repolyo, kamatis, bayabas, mangga, berdeng sili (bell pepper) at singkamas.

Kumain ng may beta-carotene o vitamin A gaya ng mga dilaw na gulay at prutas, kamote, mangga, papaya, at kala­basa.

Dagdagan din ang pagkain ng may vitamin D para tumibay ang buto gaya ng pula ng itlog, talaba, sardinas, tawilis, tumban, soya milk at kabute.

ARTHRITIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with