^

PSN Opinyon

Cha-cha plebiscite sabay sa 2025 polls?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Oh no. Determinado pa rin ang  mga advocates ng charter­ change na apurahing mapagtibay ito. Kinukonsidera kasi ang ratipikasyon nito kapag nabuo ay isabay sa 2025 national polls.

Ito ay sa pamamagitan ng plebisito na taumbayan ang hahatol kung aaprubahan ito o hindi. Ideally, okay sana na ang mamamayan ang mag-aapruba. Ngunit batid naman natin ang bulok na sistema sa pulitika.

Ang mga isyu na politically motivated ay nagagawang manipulahin. At ang plebisito ay isang uri ng political exer­cise ng taumbayan na puwedeng dayain.

Kung anu-ano pang kadramahan ang ginagamit na kunwa ay maraming mambabatas ang tutol. Ito’y upang mabuo sa isip ng taumbayan na may semblance ng check and balance.

Nagalit pa kuno sa ideya si dating President Duterte ngunit ilang araw lang ay naghayag na ng pagpabor sa charter change.

Nag-iisip at matatalino na ang taumbayan at hindi na mauuto. Ngunit gaya nang nasabi ko na noon, dapat mag­karoon pa ng mas malalim na pagkaunawa ang taumbayan sa Konstitusyon.

Mahalaga ito upang tuwing papasok sa isip ng mga mambabatas ang pag-amyenda ay mababatid agad ng mamamayan kung ito ay may makasariling agenda.

Sabi ng Comelec, posibleng pagsabayin ang national polls at plebisito upang makatipid nang malaking halaga ang pamahalaan. Sa himig ng pahayag na ito, tila plantsado na ang lahat at may bagong Konstitusyon na tayo sa 2025.

DETERMINADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with