^

PSN Opinyon

Bawal na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nagdesisyon na ang Metro Manila Council (MMC) sa paglaganap na mga e-trike, e-bike at e-scooters. Simula Abril, bawal nang dumaan ang mga ganitong sasakyan sa 19 na pangunahing kalsada sa Metro Manila. May listahan ng mga kalsada sa website ng MMDA. May multang P2,500 sa mga lalabag sa patakaran. Bukod diyan, kapag nahuling nagmamaneho ng mga sasakyang ito na walang lisensiya, mai-impound ang sasakyan. Ang MMDA ang magpapatupad ng bagong batas hinggil dito.

Ang mga lokal na pamahalaan ang maglalabas ng kani-kanilang ordinansa hinggil sa paggamit ng e-bikes at trikes/scooters sa mga kalsada nilang hindi kabilang sa listahan ng MMDA. Mukhang nakinig na sila sa mga reklamo ng motorista laban sa mga gumagamit ng e-bikes. Bukod sa mabagal ang takbo, may mga aksidente nang naganap kung saan sangkot ang mga sasakyang ito.

Ayon sa MMDA, 554 na aksidente ang naganap sa NCR noong nakaraang taon. Inireklamo rin ang paggamit nito ng mga bata pati mga hindi naman marunong sumu­nod sa mga batas-trapiko. May mga e-trike na namamasada pa. Bukod sa walang prangkisa, hindi rin rehistrado at walang lisensiya ang nagmamaneho.

Si President Bongbong Marcos Jr. mismo ang nanawagan sa mga drayber na maging disiplinado sa kalsada. Mukhang napapansin na rin ang kawalan nito sa pang-araw-araw na pagbiyahe ng lahat. Hindi puwedeng umiral ang anarkiya sa kalsada. Ilang artikulo na rin ang nasulat tungkol dito. Hindi puwedeng may mga sumusunod sa batas habang ang iba ay halos pinalalampas na lang ng mga otoridad na lumabag. Kung seryoso si Marcos sa kanyang panawagan, siya na mismo ang dumaan sa mga kalsada para makita ang kawalang disiplina nang marami.

Makita niya na nagpapatuloy ang mga pribadong sasakyan na may escort na pulis sabay “wangwang”. Makita niya kung saan sumusunod ang maraming sasakyan sa hindi paggamit ng bus lane habang may mga gumaga­mit nito dahil alam na hindi sila mahuhuli, tulad sa mga underpass. Makita niya ang pag-counterflow ng marami. At kung puwede, makita na rin niya gaano nakakasilaw ang mga LED headlights na lumalaganap ngayon. Lahat iyan, nararanasan ng mga motoristang sumusunod naman sa batas-trapiko.

MMC

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with