^

PSN Opinyon

EDITORYAL - E-bikes bawal na sa national roads

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - E-bikes bawal na sa national roads

NOON pa man, bawal na talaga sa mga pangunahing lansangan ang mga traysikel, e-trikes at iba pang electric vehicles. Pero dahil ningas kugon ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas, dumami pang lalo ang mga ito sa pangunahing kalsada. Ang iba, ipinanghahanapbuhay na. Nakikipaggitgitan ang mga ito sa iba pang mga sasakyan. Ang resulta, dagdag sa bigat ng trapiko. Magkakaroon ng kampanya ang local na pamahalaan at huhulihin ang mga nag­lipanang traysikel, e-trike at iba pa pero pagkalipas ng ilang araw, balik uli sa kalye ang mga ito.

Ang matindi ngayon, nagsulputan ang maraming e-bikes at wala nang takot kung yumaot sa national road at meron pang naispatan sa Skyway. Mayroong nagka-counter flow at walang takot kung makipagsiksikan sa mga malalaking sasakyan. Bagong hari umano ng kalsada ang mga e-bike.

Kamakalawa, sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na bawal nang yumaot ang mga e-vehicles sa national roads. Sabi ni MMDA chairman Romando Artes, isang resolusyon ang ipinasa ng Metro Manila Council (MMC). Magkakabisa ang kautusan sa Abril 1. Ang sinumang lalabag sa regulasyon ay pagmumultahin ng P2,500. Ayon pa kay Artes, oob­li­gahin na rin na magkaroon ng driver’s license ang nagmaneho ng e-vehicles at kung walang maipakikitang lisensiya ay i-impound ito. Kabilang din sa mga ipinagbabawal na dumaan sa national roads ang pedicabs, pushcarts at “kuliglig.”

Nararapat na talagang ipagbawal sa mga pangu­nahing lansangan ang mga e-bikes sapagkat bukod sa nakasasagabal sa trapiko, marami ang naaaksidente. Noong nakaraang taon, nakapagtala ng 554 na aksidente sa kalsada ang e-bikes. Kung hindi na­ba­bangga ng mga malalaking sasakyan, ay ito ang bumabangga dahil sa kawalan ng kamuwangan sa pagmamaneho­. Kadalasan din na mga menor-de-edad ang nagma­­maneho ng e-bike. Mayroong mga estudyante na dina­dala pa sa school ang e-bike.

Sana hindi ningas kugon ang pagbabawal sa e-bike at iba pang katulad na electric vehicles. Higpitan pa ang pagbabawal para maiwasan ang mga malalagim na trahedya sa kalsada. Habang hindi pa lumulubha o dumarami ang mga nadidisgrasya, tutukan na ang problemang ito hanggang maaga.

ELECTRIC VEHICLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with