^

PSN Opinyon

Tobacco farmers sa Ilocos, apektado ng cigarette smuggling!

Pilipino Star Ngayon

Hindi lang ang mga Pinoy ang pinapatay ng smuggled cigarettes dahil sa masamang sangkap nito kundi maging­ ang kabuhayan ng mga lokal na tobacco farmers sa Ilocos. Araguyyyyy! Sa ulat kasi ng National Tobacco Administration umaabot sa 2.2 milyong Pinoy ay kumikita sa lokal na sigarilyo. Dahil naglipana ang smuggled ciga­rettes sa Pinas, lalo na sa Mindanao, abayyyyy bumababa din ang kita ng tobacco farmers.

Halos magdadalawang taon na sa trono si President Bongbong Marcos subalit wala pang binitiwang salita ito para matigil ang cigarette smuggling, kung saan aabot sa P60 bilyong buwis ang nawawala sa kaban ng gobyerno. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Ano pa nga ba!

Kinumpirma ni kosang John Unson na nagkalat ang smuggled cigarettes sa Cotabato City. Aniya, tinatangkilik nga ito ng mga adik sa sigarilyo dahil mura subalit naiiba­ ang amoy at lasa. Sinabi kasi ng mga health experts na itong mga smuggled cigarettes ay may sangkap na toxic chemicals na cadmium at lead na delikado sa kalusugan, kundi may iba pang halong di kanais-nais na bagay.

Ayon sa pagsusuri, itong smuggled at illegally manufactured cigarettes ay natuklasan ding may sangkap na insect parts, rat droppings, at minsan pa ay may dumi ng tao dahil hindi dumaan ang mga ito sa quality control. Dipu­gaaaaa!

Kaya pinagbawalan ni kosang Unson ang kanyang mga kaibigan, at kamag-anak na ‘wag na manigarilyo ng smuggled cigarettes. Hehehe! Puwede namang tuluyan na nilang iwanan ang paninigarilyo dahil masama ito sa kalusugan, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon sa NTA, ang milyones na Pinoy na nakikinabang sa lokal na tabako ay ‘yaong nga farmers, retailers, traders­, manufacturers, vendors, at sari-sari stores owners. Sila po ay naka-depende lang sa tobacco industry at dahil hindi ma­­pigil-pigil ang pagpasok ng illegal na sigarilyo sa Pinas, na­tural­ lang na pumadausdos ang kanilang kita, di ba mga kosa?” Illegal cigarettes deprive farmers of income as de­mand for local tobacco leaf weakens,” ang sabi pa ng NTA. Eh di wow!

Hindi lang ‘yan, napatunayan pa na itong smuggling ng sigarilyo at iba pang agricultural products ang naging dahilan para humina at hindi naging competitive ang output ng local farm products. Mismooooo!

“(It also) impedes the productivity of farmers and leads to higher costs of agricultural products once farmers stop local production to the detriment of consumers,”  anila. Tsk tsk tsk. Maraming sektor ang apektado dito sa problema ng cigarette smuggling, ‘no mga kosa? Masakit sa bangs ito.

Kailan pa kaya magigising ang gobyerno ni BBM para tuklasin at patiklupin itong cigarette smuggling, na ikinalugi ng lokal na tobacco industry. Sa pagputi kaya ng uwak? Sal-it! Kung sabagay, halos hindi na maikumpas ni BBM ang kanyang kamay na bakal dahil sa sandamakmak na problemang hinaharap ng gobyerno niya.

Kilala kaya ni BBM kung sino ang nasa likod ng cigarette smuggling? Abangan!

NTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with