^

PSN Opinyon

Daming ‘pergalan’ ang nagsusulputan!

BANAT NI BATAUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nagsusulputan naman na parang kabute ang mga “pergalan”. Ewan ko lang kung may kaugnayan ito sa pa­hayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa status quo muna sa mga peryahan. Nangangahulugan kaya ito na puwedeng­ mag-operate ang mga peryahan na walang balakid sa mga kapulisan ang kanilang negosyo. Kasama­ kaya rito ang illegal­ na sugal na pangunahing tinatangkilik ng mga taong nagtutungo sa peryahan sa exempted sa pag­­walis ng mga kapulisan.

Ikinumpas ni Evie Mendoza, pangulo ng Perya Industry of the Philippines Association (PIPA) sa lahat ng mga peryante na buksan na ang kanilang negosyo matapos na lumutang ito sa Senado sa isyung pagdinig ng kanilang karaingan. Nalaman ko, P10 milyon pala ang payola sa nga ahensiya ni Pres. Ferdinand Marcos Jr kaya “bukas-sara” ang operasyon nito.

Kapag mainit na raw ang tingin ng mga opisyal ng pama­halaan sa reklamo ng mamamayan, manghuhuli na ang PNP bilang accomplishment na kunyari ay nagtatrabaho sila. Pero hindi kumbinsido ang ilang opisyal na mawala ang kanilang datung mula sa katas ng mga illegal na pasu­galan na nagtatago sa peryahan.

Ngayong nagpahayag na nga si Senador Bato na status quo muna sa operasyon ng peryahan, sinamantala na ito ng mga gambling lord financiers sa peryante. Kaya kung sa inyong mga lalawigan ay makakikita kayo ng lantarang ope­rasyon ng pergalan, isangguni n’yo ito kay Senador Bato.

Sa aking paglilibot sa Panay Island, kitang-kita ng mad­lang pipol ang pagkukumpulan ng mga pergalan na dinudumog ng mga sugarol. Ang masaklap nito, napakaraming nakawan na ang nangyayari at sa tingin nitong aking mga kausap, marahil dala ng pagkagumon sa sugal ang dahilan.

Sa panahon ngayon na taggutom na sa mga lalawigan dahil sa pagtama ng El Nino, saan pa kukuha ng pantustos sa bisyo ang mga sugarol, di ba sa masamang pamamaraan? Ang masama, wala nang pahinga ang kapulisan sa paghahabol sa mga masasamang tao at kung idagdag pa itong nagaganap na nakawan, siguradong di na sila makakatulog. Kaya’t may panawagan ang madlang pipol kay Senador Bato na linawin ang kanyang pahayag sa status quo sa peryahan dahil kung tuluyang payagan itong operasyon ng mga pergalan tiyak na lalaganap ang krimen sa lahat ng sulok ng bansa. Abangan!

PIPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with