^

PSN Opinyon

Bagong modus: ‘tanim granada’ sa Nueva Ecija!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAPAT imbestigahan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang kaso ng “tanim granada” sa Cabiao, Nueva Ecjia. Maliwanag pa sa sikat ng araw na inabuso ni Cabiao police chief Maj. Shariel Paulino ang search warrant para makalaboso si Noel Montano, na kilala sa social media bilang El Tarik.

Habang humihimas ng malamig na rehas na bakal si El Tarik, sumisigaw ng hustisya ang kanyang pamilya, sabay dasal na busisiin ni Acorda ang kaso ng blogger.

Hindi pa nga humuhupa ang kontrobersiyal na raid sa Solemare Parksuites Condominium sa Parañaque City, heto na naman ang “tanim granada” ni Paulino na nagbibigay ng kahihiyan sa buong PNP. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Ano pa nga ba?

Ang kasalanan ni El Tarik? Sinabi ng mga kosa ko na si El Tarik at Gatbonton Wycoco ay mga mahigpit na kritiko ni Cabiao Mayor Engr. Ramil Rivera, lalo na sa isyung “floating market” project kung saan daan-daang milyon ang inutang ng bayan para ipagawa ito.

Nitong huli, isang bahagi ng palpak ng market ay ipina­giba para tayuan na naman daw ng isang gusali. Siyempre, uutang na naman ang Cabiao para pondohan ito. Araguyyy!

May panawagan pa ang mga residente na imbestigahan ng Ombudsman o ipa-audit sa COA ang naturang proyekto dahil may “naaamoy” silang kabulastugan dito. Get’s n’yo mga kosa? Teka nga pala! Di ba kontraktor din si Engr. Rivera? Hmmm! Ang sakit sa bangs nito!

Hindi naman inutusan ni Rivera si Paulino subalit nag-apply ng search warrant itong opisyal ng PNP dahil may itinatago umanong 9mm na baril si El Tarik. Kaya’t gamit ang search warrant, hinalughog ni Paulino at mga tauhan ang bahay ni El Tarik na matatagpuan sa Bgy. San Fernando Norte at wala naman silang natagpuang baril. Subalit parang magic na nakakumpiska ng granada si Paulino. Ano ba ‘yan?

Para sa kaalaman n’yo mga kosa, mas matindi kapag granada ang nakumpiska sa iyo dahil non-bailable offense ito. Hehehe! Bumenta na ang “modus” na ito ah, di ba mga kosa?

Bago siya makulong, nag-post pa ng mensahe si El Tarik sa social media.“Naset-up ako, huling post ko muna ito, makipag-ugnayan sa aking mga kapatid. At mga pinsan. Paalam muna. Matagal-tagal na laban ito.” Inulan naman ng mensahe ng suporta si El Tarik sa mga mamamayan ng Cabiao, kabilang na ang mga opisyal ng bayan kagaya ni Konsehal Jumar Wycoco.

Isa sa mga mensahe ng suporta nila ay: “Bayan ng Cabiao…sa akin po pagkaalam ang palay ay sa bukid itinatanim para alam mo ang aanihin mo…Ngayon iba na, sa loob na ng bahay para meron kang ebidensiya. Ano ba ‘yan Bayan? Ambot sa kanding nga may bangs!

Subalit nitong Huwebes, dinismis ni Senior Assistant Provincial Prosecutor Susan  M. Apolonio ang kaso sa kadahilanang hindi naman nabanggit ang granada sa search warrant. Hehehe! Marunong talaga ang Diyos!  May resbak kaya si El Tarik?

Baka sumunod si Paulino sa 10 pulis SPD na nadismis dahil sa pag-abuso sa search warrant.  Mismooo! Sana imbestigahan din ng Kamara ang kasong “tanim granada” na ito at puwedeng isama rin ang raid ng GAB-CIDG sa POGO sa Pasay City kung saan inabuso rin ang search warrant. Abangan!

NUEVA ECJIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with