^

PSN Opinyon

Bagong minimum wage sa NCR

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ipinasa na ng Senado ang Senate Bill 2534 o ang pagdagdag ng P100 sa kasalukuyang minimum wage para sa pribadong sektor. Ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) ar P610 kada araw. Kapag ipinasa na rin ng Kongreso ang panukala, magiging P710 kada araw na ang sahod. Dalawampung senador ang bumoto para ipasa. Apat ang hindi bumoto dahil wala sila sa Senado nang gampanan ang pagboto. Pero bago magsaya ang lahat, may mga balakid pang dapat pagtagumpayan.

Isa na rito ay ang Kongreso mismo, na medyo malamig sa pagtaas ng minimum wage at inaakusahan pa ang Senado na pumoporma lang para sa darating na eleksyon sa isang taon. Tila ngayon pa lang ay nagpapabango na sa tao. At dahil ang mga negosyante at maypabrika ang maglalabas ng pera para sa karagdagang sahod, sila ang unang umalma at nagbabala. Ang pagtaas umano ng sahod ay ipapasa lang sa mamimili na magreresulta sa pagtaas ng mga presyo ng halos lahat ng bilihin.

Wala yata akong narinig na sasagutin na lang ng negos­yante o negosyo ang pagtaas ng sahod. Ang panakot ay ipa­pasa sa mamamayan. Dagdag pa na kung hindi kakayanin­ ang pagtaas ng sahod, mapipilitang magbawas ng emple­­yado na mas lalong pahirap pa. May nagmungkahi na nga na gawing “hulugan” ang pagtaas ng isangdaang piso kada araw dahil mabibigla ang mga negosyo’t negosyante.

Ayon din sa IBON Foundation, ang pamilyang lima ang miyembro ay mangangailangan ng P1,193 kada araw para mamuhay ng disente. Kaya kung tutuusin, halos kalahati lang sa kasalukuyang P610 kada araw na saghod sa NCR. Siguradong may maitutulong ang pagtaas ng P100 sa sahod. Pero nakikita nga natin na ang epekto nito ay hindi lang sa empleyado kundi sa negosyante, may pabrika at sa pang­kalahatang ekonomiya ng bansa.

Kung mas maraming pera nga naman ang tao, mas may panggastos kung saan iikot ang pera. Iyan ang tanda ng magandang ekonomiya. Pero ang maaaring kapalit niyan ay inflation, na isang pabigat naman sa tao. Noong ipinatupad ang TRAIN Law ng nakaraang administrasyon, may mga nakinabang na empleyado pero tumaas naman ang bilihin dahil sa biglang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel. Walang perpektong solusyon kapag sahod ang pinag-uusapan. May mga hindi nga makikinabang sa anumang pagtaas ng sagod, partikular mga magsasaka na hindi pala saklaw ng minimum wage. Pero sa ngayon, sana ipasa ng Kongreso ang batas. Mas marami pa ring mahihirap na makikinabang.

KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with