^

PSN Opinyon

Handa ba sila magturo ng pagbasa’t unawa?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALIMIT ibintang sa dagsa ng online videos ang kahinaan­ ngayon ng kabataang magbasa, lalo na sa English. Isa lang­ sa bawat 10 batang edad 15 ang bihasa magbasa at umu­nawa. Bago mag-pandemic, tatlo lang sa bawat 10 ang ma­runong.

Pero tila mali ang pagsusuring ‘yon. Obligado pa rin naman magbasa ng libro ang mga estudyante. Obligado rin magkaron ng library bawat lungsod at munisipalidad. At marami ring kaakit-akit na babasahin online.

Nu’ng bata pa sila, nalulong sa television ang mata­tanda ngayon. Pero hindi naman sila napulpol sa reading­ comprehension. ‘Yun ay dahil nga obligado rin sila mag­basa­ ng libro sa paaralan. Maraming mahusay na diyaryo at ma­gasin. At magaganda ang libro sa bookstores.

Nauugat sa pagtuturo ang kahinaan sa reading comprehension. Maaring hasang-hasa ang reading comprehension ng guro pero mapurol ang kaalaman sa pagtuturo. Maari ring pulpol sa pagbasa at pag-unawa, kaya walang maituturo.

Nagpapatupad ngayon ang Department of Education ng “Catch up Fridays”. Ginugugol ng mga guro ang Biyernes sa reading comprehension. Bukod sa aktwal na pagbasa, may mga laro, dula, paligsahan at flash cards.

Idinagdag din ang pagtuturo ng kalusugan at kabutihang-asal. Meron pang “kapayapaan”, tila para gawing dungo ang kabataan.

Ito na ba ang wastong solusyon? Hindi ba dapat suriin muna ku’ng marunong talaga ang mga guro? Marami nang mga eksperto na nagpayo sa DepEd na siguruhin ang kali­dad ng pagtuturo. Makinig sana sa kanila ang burokrasya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ENGLISH

ONLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with