^

PSN Opinyon

Mga ‘meme’ kay Juan Ponce Enrile

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Advanced happy birthday Manong Juan Ponce Enrile sa iyong ika-100 taong kaarawan. Gusto kong ilaan ang pitak ko ngayon upang batiin ka ng happy birthday sa February 14.

Deserved mo ito dahil historical figure ka na Manong as the oldest serving cabinet official and probably the most “antique” person to have served in any administration. Ngayon, si JPE na dating Defense Secretary ng matandang Marcos ay naging Senador sa ilalim ng Cory administration hanggang sa panahon ni President Noynoy, Senate President at ngayo’y Presidential Counsel ng batang Marcos.

Pambihira ang long life mo Manong! Baka gawin ka pang Defense Secretary ni Rep. Sandro Marcos kapag naging Presidente siya!

Maraming jokes tungkol sa edad ni JPE na ang iba ay siya mismo ang kumatha. Iyan siya! Kahit mabagsik sa tingin ng iba ay mataas ang degree ng sense of humor. Sabi niya, nang siya’y bata pa, ang rainbow ay “black and white pa.”

Heto pa ang isang meme na bunga ng aking malikot na isip. Sinabi niya sa isang interview na niligawan niya ang isang pinakamamahal ng bayaning si Jose Rizal. “Sino, si Josephine Bracken?” Usisa  ng reporter.

“Hindi. Ang nanay niyang si Teodora Alonzo” sagot ni JPE. Kaso binasted siya ni Doña Teodora dahil masyado pang bata si JPE noon.

“Sayang. Edi sana ako ang naging tatay ng Pambansang Bayani” dagdag ni JPE.

Sabi pa niya (meme rin ito) “Nang sabihin ng Diyos na let there be light, ako nagsindi ng ilaw.” Hindi lang iyan. Nang patayin ni Cain ang utol na si Abel, siya ang prosecutor na nagsampa ng kasong murder sa una!

Heto pa: naging reporter pala si Enrile ni Kalantiaw pero sinibak. Kasi naman, hindi niya naireport ang labanan sa Mactan nang mapatay ni Lapulapu si Magellan.

JPE must be proud he has traveled this far. Hindi lahat ay nabigyan ng ganyang probilehiyo. Sabi ng Bible, long life is a reward from God.

God bless and 100 more to you!

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with