^

PSN Opinyon

21 tips para mapigilan ang pagtanda

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat nang tao ay nagkakaedad o tumatanda. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating pag-edad o pagtanda.

Narito ang 21 paraan na malaki ang maitutulong:

1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansiyang almusal.

2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.

3. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.

4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.

5. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay. Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.

6. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.

7. Magkaroon nang mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.

8. Makipag-sex sa iyong asawa o partner nang mas madalas. Kontrobersyal ang payo na ito pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng eher­sisyo at nakababawas sa stress.

9. Umiwas sa bisyo at peligro.

10. Matulog ng 7-8 oras bawat araw.

11. Mag-ehersisyo.

12. Mag-alaga ng aso. Nagbibigay ng pagmamahal ang aso sa kanyang amo.

13. Magsipilyo ng tatlong beses bawat araw. Gumamit din ng dental floss.

14. Magpabakuna. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pang sakit

15. Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement­. Mas mainam na magtanong sa dalawang doktor para maka­siguro na tama ang iyong iniinom.

16. Alamin ang mga sakit sa pamilya at gumawa ng paraan para maiwasan ito. Halimbawa, kung may lahi kayo ng sakit sa puso, magpasuri nang maaga sa doktor.

17. Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw.

18. Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.

19. Huwag manigarilyo at umiwas sa usok ng sigarilyo.

20. Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.

21. Huwag magretiro. Laging ituloy ang iyong trabaho para may pinagkakabalahan.

vuukle comment

PAGTANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with