^

PSN Opinyon

Mandaluyong, pinarangalan ng ARTA sa eBOSS!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nadagdagan na naman ang pogi points ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. dahil sa komendasyon na iginawad sa siyudad sa programa nilang Electronic Business One-Stop-Shop (eBOSS).

Iginawad ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director­ General Ernesto Perez ang pagkilala kina Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos noong Lunes sa flag raising cere­mony sa lungsod. Itong eBOSS ay itinatag ng local govern­ment bilang pagtalima sa kautusan ni President Bongbong Marcos na i-digitalize ang proseso ng gobyerno para mapa­bilis ito. Mismooooo!

Ayon kay Perez, isa ang Mandaluyong sa mga LGUs na kasalukuyang nagpapatupad ng eBOSS system at ikinatuwa niya ito. “The best way to fight red tape and corruption­ is to streamline and digitalize government processes and we are witnessing that in the City of Mandaluyong under the able leadership of Mayor Abalos,” pahayag ni Perez.

Hinimok ni Perez ang iba pang LGUs na tularan ang Mandaluyong at iba pang siyudad para hindi na mahirapan ang kani-kanilang constituents sa pagbayad ng buwis at iba pang bayarin. Eh di wow! Anong sey mo kosang Bro. Jimmy Isidro Sir? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa eBOSS, maaari nang kumuha ng business permit sa loob ng isang oras. Ayon kay Perez, ang eBOSS system ay isang end-to-end process na online na ginagawa ang pag-apply ng business permit, ang pagpasa ng requirements para rito, ang pagbayad ng fees, hanggang sa pag-print ng aktwal na business permit.

Mabilis ang proseso at maiiwasan ang graft and corruption, di ba mga kosa? Kaya’t sa Mandaluyong City, walang reklamo ang mga residente sa pagbayad nila ng buwis at iba pang bayarin dahil kung susuwertehin ka, abayyyyy may libreng kape ka pa at parking, di ba Bro. Jimmy. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung sabagay, ang eBOSS ay sinimulan noong termino pa ni dating Mayor Benhur Abalos, na sa ngayon ay secretary na ng Department of Interior and Local Government (DILG). Anong sey mo Bro. Jimmy? Umani na ito nang maraming parangal, lalo na sa ARTA.

Dapat na sigurong tularan ng iba pang LGUs ang eBOSS dahil ayon kay Perez, malaki ang maitutulong nito para tumaas ang narerehistrong negosyo at maging sa pagkolekta ng buwis. Walang hassle para sa mga residente, ‘ika nga. Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Pinasalamatan naman ni Mayor Abalos ang ARTA at si Perez sa nasabing parangal habang nangako siyang sisikapin ng kanyang liderato na ikalat pa sa ibang opisina ang pag-digitalize ng mga proseso nila. Tsk tsk tsk! Naiiba talaga sa Mandaluyong at hindi ka papawisan sa pagbayad ng mga permits. Tumpak!

Sa Maynila naman, sobrang daming opisina ang dadaanan ng Manilenyo bago makakuha o makabayad ng permits at buwis. Paging Manila Mayor Honey Lacuna. Gayahin mo ang eBOSS para makahinga sa corruption ang Manilenyo.

Abangan!

MANDALUYONG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with