^

PSN Opinyon

Patuloy ang e-sabong

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

INIUTOS ni President Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suspension ng electronic sabong sa buong bansa noong Disyembre 28, 2022. Nag-isyu pa siya ng Executive Order No. 9 para rito na nag-uutos na lansagin at arestuhin ang mga nasa likod ng e-sabong operations. Nakapaloob din sa kautusan ang suspensyon ng live-streaming ng mga sultada sa loob at labas ng cockfighting arena.

Pero ang kautusan ni Marcos ay binabalewala at hindi sinusunod. Patuloy pa rin ang e-sabong sa bansa.

Katunayan, laganap ang e-sabong sa Norte at isang political leader ni Marcos ang pasimuno rito.

Tatlong websites ng Sabong World Cup (SWC) ang nag-ooperate at may farms sa Ibaan at Lipa City, Batangas. Sa mga lugar na nabanggit vini-videohan ang mga sabong. Ang may-ari ng farm ay si alyas JCap.

Malayang nakakapasok sa websites ng SWC ang mga e-sabong afficionados at maging ang mga bata man.

Alam kaya ng PNP Cybercrime ang e-sabong ni JCap?

Ayon sa aking source, isang police colonel ng PNP National Support Unit sa Region 4A ang protector ni JCap.

Nasa ilalim ni JCap sina Aries Alvarez, operations head; John Anthony Magdadaro, namamahala sa Information Technology; Dade Arguiles, coordinator, kasapi sa technology team at bumabakas bilang co-owner; Ajho Dimaano at Vincent Eric Arive Gobon, co-owners; Aldrin Ablao, owner sa Tanauan, Batangas; Mac Ignacio, owner; at Kalasti, core-member ng sindikato.

Ayon sa aking source, wala sa sindikato ni JCap ang sikat na mananabong at Pitmaster owner na si Charlie “Atong” Ang.  Ginagamit lang daw ang Pitmaster brand ni Ang upang ikubli ang e-sabong ng sindikato.

Tutol si Marcos Jr sa e-sabong pero ang political leader niya sa Norte ang namumuno. Isakdal sana ang political leader at parusahan kasama ang mga iba pang opisyal ng gobyerno.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

E-SABONG

ELECTRONIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with