^

PSN Opinyon

Mga payo para maiwasan ang stress  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG payo ko ay base sa mga sinabi ng mga psychologist kaya epektibo ang mga ito.

Ayon sa American Psychological Association ang mga karaniwang pinanggagalingan ng stress: 1) Pag-aalala dahil sa kapos sa pera; 2) Stress sa trabaho at pamilya; 3) Nag-alala sa ekonomiya; 4) Problema sa kalusugan

Mga paraan upang maiwasan ang stress:

1. Mamuhay nang simple at masaya.

2. Mag-focus sa malusog na pangangatawan at pamumuhay.

3. Mamuhay ng may moralidad.

4. Matutong makuntento at magpasalamat sa mga bagay na mayroon ka.

5. Kung gagamit ng gadgets at computers ay mas mainam kung hinay-hinay lang. Maaaring ito ay nakatutulong ngunit ang sobrang paggamit ay nakapagdudulot din ng stress.

6. Gumastos nang naaayon sa iyong pangangailangan. Mas makabubuti na gumastos nang tama. Kung hindi naman kailangan huwag na lamang bilhin. Sa ganitong paraan ay makakaipon pa.

7. Hanapin ang oportunidad. Mamuhay lamang ng simple at makabuluhan kaysa mamuhay sa karangyaan.

8. Maglibang paminsan-minsan. Para mas ma-enjoy ang paglilibang, hindi kinakailangang gumastos nang mahal. Maaari rin namang gawin ang paglilibang kahit sa simpleng pamamasyal lamang sa tabi-tabi.

9. Pasalamatan at maging masaya sa mga bagay na mayroon ka.

10. Alamin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo at iwasan ang mga bagay na nakagagalit sa iyo.

11. Ihiwalay ang malaking gawain sa mas maliit na ga­wain. Kung ang inyong mga gawain ay masyadong ma­rami hatiin ito sa maliliit na gawain at gawin ito ng paisa-isa. Panatilihin na nakatuon ang isip sa mga gawain na ginagawa sa halip na isipin ang mga susunod pang mga gawain.

12. Matutunan na tumanggi, kung nakararamdam ng sobrang tuwa sa inyong personal at propesyonal na responsibilidad, subukan na umurong at pag-isipan ng mabuti kung ano ang aalisin.

13. Magkaroon nang maikling pahinga habang nagtatrabaho. Tumayo sa iyong lamesa at mag-unat, o gamitin ang iyong lunch break para maglakad sa park.

14. Palitan ang inyong araw-araw na pressure ng physical na gawain. Ang healthy lifestyle ay ang iyong mabuting depensa panlaban sa stress. Sundin ang balanced diet, limitahan ang pag-inom ng kape at alak at matulog nang sapat.

15. Ibahagi ang iyong nararamdaman. Kumausap sa inyong matalik na kaibigan o miyembro ng pamilya, ang mga malulungkot na tao ay mas nakararanas ng stress at hindi malusog na pangangatawan.

16. Subukan ang meditation. Ang meditation ay nagpapataas ng immune function, nakabababa ng pangamba, at tumutulong na mas maka-isip na mga kapaki-pakinabang na bagay.

17. Sa bawat araw gawing sentro ang iyong sarili, Sa halip na bumangon agad sa kama, isipin ang mga bagay na mayroon ka o mga dapat na ipagpasalamat, o kaya naman ay magbasa nang maaaring makapagpa-inspire sa iyo.

18. Tawagan ang ilang kaibigan o kaya naman ay maglakad ng 30 minuto. Sa pamamagitan nito, maibabalik mo ang iyong lakas at makapagtatrabaho ka nang epektibo.

STRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with