^

PSN Opinyon

Sgt. Chan, ka-level nina Generals Acorda at Brawner!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Kahit tong collector si Sgt. Paquito Chan, abayyyyy multi-awarded pala ito. Talaga? May nagpasa kasi sa Dipuga ng pulyetos kung saan si Sgt. Chan ay hinirang na “Hero of the Year.” Eh di wow! Ang maganda pa, ka-level o co-awardee ni Sgt. Chan sina PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at AFP chief Gen. Romeo Brawner. Bigatin talaga! Dipugaaaaa!

Kung sina Acorda at Brawner ay nagsunog ng kilay para pangalagaan ang seguridad ng Pinas, ano kaya ang basehan para maging awardee din si Sgt. Chan? Baka naman, maliban sa pagiging tong collector, marami ding kriminal ang naaresto ni Sgt. Chan, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sinuman ang nasa likod nitong award kay Sgt. Chan, abayyyyy diskarte nila ‘yan, di ba mga kosa? Baka may alam silang sangkaterbang accomplishments ni Sgt. Chan kaya ginawaran siya ng award bilang pagkilala. Puwede ring may malaking papel dito ang bayaw ni Sgt. Chan na si ex-House Speaker Lord Allan Velasco? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung deserving naman si Sgt. Chan sa kanyang award, dapat lang sigurong papurihan natin siya dahil tiyak makakahalubilo n’ya sina Acorda, Brawner at apat pang emple­yado ng gobyerno sa award night. Bongga!

Kaya lang sa kanyang pagiging tong collector, mara­ming naapakan si Sgt. Chan at mga Doberman n’ya. Ano sa tingin mo S/Sgt. Chris Delfin, alyas Parak? Kapag dina­anan kasi nitong mga Doberman ni Sgt. Chan ang mga lugar sa Luzon, kalimitan humahagulgol o umaatungal sa pag-iyak ang mga financiers ng sugal-lupa. Mismooooo!

Hindi lang sina alyas John-John at dela Cruz ang mga alagang Doberman ni Sgt. Chan, ayon sa mga kosa ko, kundi maging sina Jaymar, Gilbert, Jake, Jepoy at Jong. Ayon sa mga kosa ko, masakit kung mangagat itong mga Doberman ni Sgt. Chan. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa ngayon kasi, pinag-isipan nina Madam Mely Bautista ng Group of Traditional Perya in the Philippines (GTTP) at ni Madam Evie Malabanan-Mendoza ng Perya Industry of the Philippines Association Inc. (PIPA) kung paano paamuin ang mga Doberman ni Sgt. Chan. Ang reklamo nila, kinikolektahan sila ng grease money mula sa P30,000 hanggang P50,000 at maliban ‘yan sa lingguhan nilang tara na dinoble, triple o kuwadro pa. Tsk tsk tsk!

Matalas talaga ang ngipin nitong mga Doberman ni Sgt. Chan, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

At higit sa lahat, mukhang galit kay CDIG director Maj. Gen. Romeo Caramat ang sinumang opisyal sa Camp Crame na kumuha sa serbisyo ng mga Doberman ni Sgt. Chan. Dahil nagpataas sila ng tara, abayyyyy umaalingasaw ang pangalan ni Caramat sa dinadaanan ng mga Doberman. Eh si Acorda ay magreretiro na sa Marso 31 at si Caramat ay kasama sa mga kandidato sa iiwanan niyang puwesto. Ginigiba lang ng mga Doberman ni Sgt. Chan ang tsansa ni Caramat na maging PNP chief. Mismoooo!

Dapat pagkakatayin ni Caramat ang mga Doberman ni Sgt. Chan. Abangan!

BENJAMIN ACORDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with