^

PSN Opinyon

Bakit tinanggal si Sec. Diokno?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUMPIRMADONG manunumpa sa kanyang bagong tung­kulin si House Deputy Speaker Ralph Recto bilang Secre­tary of Finance kapalit ni Ben Diokno sa araw na ito. Bakit kaya siya papalitan? 

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, napabalita ring sisipain ni Marcos si Diokno at ang ipapalit ay si Albay Rep. Joey Salceda, bagay na pinabulaanan ng Presidente. Sabi pa ng Presidente, buo ang tiwala niya sa kanyang Cabinet at hindi mabuting magpalit ng namumuno sa kala­gitnaan ng pagsasaayos ng problema sa pamahalaan. “We have a good working team” aniya pa. Pero lumutang uli ang sinasabing “fake news” ng Presidente noon.

This time, kinumpirma ng misis ni Recto na si Batangas Rep. Vilma Santos Recto ang balita at ito nga ay opisyal nang ipinahayag ng Malacañang. Hindi si Salceda kundi si Recto ang ipapalit.

Kunsabagay, magaling si Recto sa fiscal management at mga gawaing nauukol sa pananalapi. Ngunit magaling din at di mapapasubalian ang kalibre ni Diokno. Pinamahalaan na niya ang Banko Sentral ng Pilipinas at naging Budget Secretary pa ni Presidente Corazon Aquino.

Nang hirangin ni Marcos si Diokno noon, natuwa ako dahil hindi niya inalintana ang katotohanang naglingkod sa dalawang administrasyong Aquino si Diokno. Baka may nag-udyok kay Marcos na dapat alisin na si Diokno dahil ito’y dilawan.

Napapaisip tuloy ang taumbayan: dahil ba ito sa kuma­kalat na balitang destabilization laban sa administras­yong Marcos? Your guess is as good as mine.

AKSYON NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with