^

PSN Opinyon

I-drill ang langis sa Recto bago ito makuha ng China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG Ayungin Shoal ay nasa Recto Bank, 100 milya mula Palawan. Balak nakawin ng China ang langis at gas sa mababaw na tubig ng Recto. Ano’ng solusyon? Simulan agad ng Pilipinas kunin ang sariling petrolyo para walang maagaw ang China.

Ang Recto ay nasa loob ng 200-milya exclusive economic zone ng Pilipinas. Mahigit 650 milya ito mula sa China, kaya labas na sa sarili niyang EEZ. Wala siyang karapatan sa petrolyo doon.

Taon 1972 unang sinuri ng gobyerno ng Pilipinas ang posibilidad ng petrolyo sa Recto. Wala pang Dept. of Energy noon; Office of Energy Affairs lang. Taon 1976 nakatumbok ng gas sa tatlong balon sa Sampaguita Fields, 250 feet lang ang lalim.

Taon 2002 nag-isyu ang gobyernno ng Service Contract-72. Dalawang British company ang nagka-interes sumosyo sa drilling. Pero palagi sila ginugulo ng Chinese Navy at Coast Guard.

Isa sa dalawang kumpanya ang Forum Energy. Mayorya nito ay binili ng grupong Pilipino ni Manuel V. Pangilinan. Handa si Pangilinan magdrill - basta protektahan lang ng gobyerno ng Pilipinas.

Nais ng China mawalan ng bantay sa Sampaguita Fields. Kaya marahas na hinaharang nila ang resupply at rotation ng Marines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Tinangka rin ng China nakawin ang petrolyo ng Malaysia at Indonesia. Nakipag-joint naval exercises ang Malaysia sa America at Australia, habang nagdi-drill ng langis. Humiling ang Indonesia na pumasada ang U.S. aircraft carrier strike group habang nagdi-drill din ito.

Walang nagawa ang China. Ngayon ginagamit na ng Malaysia at Indonesia ang sariling langis. Tularan sana sila ng Pilipinas.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with