^

PSN Opinyon

Durian Sustainable ba?

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Muling naglunsad noong Enero 4 ng exploratory flight patungong Manado sa North Sulawesi, Indonesia.

Nagkaroon din ng katuparan sa wakas ang pagnanais na magkaroon muli ng direct flight sa pagitan ng Davao City at Manado.

Sana pangmatagalan na ang direct flight na ito.

Ngunit alalahanin na ilang ulit na ring nagkaroon ng direct flight noon na sinimulan ng Bouraq Airlines noong early 1990s.

Nagkaroon din ng flight ang Garuda Airlines, Philippine Airlines at pati na ang Air Philippines.

Pero sa kung anong kadahilanan lahat ng mga airlines na ito ay nagsitigil sa kanilang operasyon. Hininto ang mga nilunsad na direct flight sa nasabing route. Bakit?

Ano bang nangyari?

Ano nga ba ang dahilan at bakit hindi nag-take off ang  nasabing direct service  sa pagitan ng Davao City at Manado?

Kung tutuusin ang Davao City at Manado ay kalaha­ting oras lang ang flight time kaya madaling serbisyohan.

Sa pagnanais na muling buksan ang nasabing air route hindi ba’t mas nararapat na ito ay pag-aralang mabuti?

Tingnan kung anu-anong mga gusot ang dapat ayusin para magpatuloy ang direct flight at hindi lang hanggang inaugural flight.

Hindi ‘yung pagkatapos ng ilang buwan, kailangan nang ihinto dahil hindi kayang tustusan ang operasyon ng airlines at sa madaling salita, lugi sila.

Kaya ang malaking tanong palagi ay sustainable ba ito?

SULAWESI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with