^

PSN Opinyon

Kailangan bang makita ng mundo ang lahat?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYAW kong magsalita ng hindi magandang bagay pagkatapos ng Pasko, ngunit hindi ko napigilan ang sarili. Ito ay may kinalaman sa video na inilabas ng mga pulis ng Quezon City Police District tungkol sa pagkamatay ni Ro­naldo Valdez. Kinuha ng isang pulis ang video habang ang isa ang nag-upload sa Viber group na natural ay ­kumalat sa social media. Sa unang tingin, mukhang si Valdez mismo ang bumawi sa sariling buhay ngunit patuloy ang imbestigasyon para maalis ang foul play. Nagtataka pa nga ako kung bakit pinahintulutan ng pulis na ilipat ang katawan bago maproseso ang eksena.

Mabuti at kumilos si QCPD Director Brig. Gen. Redrico Maranan. Sinibak ang mga pulis. Sinibak din ang station commander dahil sa command responsibility. Maging si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay nagalit sa pag-upload ng video na “paglabag sa privacy at basic human decency laban sa indibidwal at sa kanyang nagdadalamhating pamilya.”

Wala na bang hangganan pagdating sa pag-upload sa internet? Kailangan bang makita ng mundo ang lahat? Ano ang dahilan ng pag-upload ng video? Para sa likes, shares? Para pagkaperahan? Nagdadalamhati ang pamilya dahil sa trahedya na pagkawala ng buhay, at gusto mo naman pagkitaan? Hindi ba dapat pabayaan ang pamilya na magdalamhati nang pribado, lalo na kung isasaalang-alang ang mga pangyayari hinggil sa kanyang pagkamatay? Dapat kasuhan ang dalawang sinibak na pulis. Walang sentido komon, walang decency.

Naalala ko noong namatay si Steve Irwin, ang sikat na Crocodile Hunter mula sa Australia. Kasalukuyan siyang kumukuha ng video para sa kanyang palabas nang napalapit siya sa isang stingray. Natusok ang kanyang puso ng sima nito. Nakunan ng video ang insidente, ngunit nangako silang hinding-hindi ito ilalabas kahit saan. Hanggang ngayon, tinupad ang pangakong iyon.

Kung ang mga unang tumugon ay naroroon upang simulan ang imbestigasyon, nabigo lang sila nang husto. Dapat silang sumailalim sa pagsasanay ngunit kahit gaano sanayin ang isang tao, kung ang “likes, shares” at kasikatan sa internet ay mas mahalaga sa kanya, walang silbi ang pagsasanay tulad ng nangyari rito. Dapat lang matanggal na sa PNP. Marahil ay dapat magkaroon nang matinding kaparusahan kung sakaling mangyari muli ito.

PASKO

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with