^

PSN Opinyon

Kaso ng 34 missing sabungeros, naghihingalo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAKAKATULOG na nang mahimbing ang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang matapos makapagpiyansa ang anim na suspects sa kaso ng missing sabungeros. Ang inaantabayan ng mga kosa ko ay madawit si Boss Atong sa kaso dahil bataan niya ang anim na suspects na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Ma­tillano Jr.

Si Patidongan, ayon sa mga kosa ko, ay batang sagrado ni Boss Atong. Get’s n’yo mga kosa?

Sa totoo lang, hindi naman nahagip si Boss Atong sa kaso dahil wala namang direct evidence ang mga nag-iimbestigang mga pulis at NBI laban sa kanya. Ang inaabangan ng mga sabong afficionado ay ikanta ng mga suspects si Boss Atong subalit sa pag-post nila ng bail ay naging malabo na ito, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang mga bataan ni Boss Atong ay kinasuhan ng six counts ng kidnapping at serious illegal detention­ sa Manila RTC. May malakas na ebidensiya laban sa kanila sa pagkawala nina John Claude Inonog, James Baccay­, Marlon Baccay, Rondel Cristotum, Mark Joseph Velasco at Rowel Gomez sa sabungan na Manila Arena na pag-aari ni Boss Atong.

Ang pamilya ng anim na biktima ang humikayat pa sa pamilya ng 28 pang missing sabungeros na magsampa ng reklamo laban sa mga suspects. Subalit sa kasamaang palad, umatras ang pamilya ng anim na biktima at iniwan sa kangkungan ang iba pang pamilya. Magkano…este paano?

Siyempre ang nasa utak ng mga kosa ko ay nabili na ang hustisya. Dipugaaaaa! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang mga biktima ay umalis sa Tanay, Rizal noong Enero 11, 2022 para sumali sa six-cock derby sa Manila Arena. Ang Marites sa sabungan, sangkot sila sa pandaraya na tinatawag na “tiyope.” Huli silang nakitang buhay habang sapilitang isinasakay ng mga kalalakihan sa isang gray van.

Hanggang sa ngayon, walang balita sa kinahinatnan nila. Araguyyyyy! Baka naman naniniwala pa ang pamilya nila na buhay pa sila kaya iniatras na ang kaso, di ba mga kosa? Eh di wow!

Ang pag-atras sa kaso ng pamilya ng anim ang binigyan saysay ni Judge Rebecca Guillen Ubaña, ng Manila RTC Branch 40 para palayain ang anim na suspects sa pamagitan ng bail na P500,000 sa bawa’t kaso. Hehehe! Dami pera ng mga suspects no mga kosa? Tahimik sila pinalaya sa custody ng CIDG4A noong Disyembre 15.

Sinabi ni Senior Deputy State prosecutor Richard Fadullon na iaapela nila ang kaso. Inamin ni Fadullon sa TV interbyu na hindi na-prove ng prosecution na ang mga biktima ay kinidnap at dinitine ng labag sa kanilang kalooban. Dipugaaaaa!

Kaya lang, sinabi ng mga kosa ko na, hindi pa dapat magsaya si Boss Atong dahil may alalahanin pa siya. Ito ay walang iba kundi ang kaso ni Ricardo Lasco, ang master agent ng World Pitmaster Cup, na pag-aari ni Boss Atong. Si Lasco ay kinidnap ng kalalakihan sa kanilang bahay sa San Pablo City, Laguna noong Agosto 2011 at tatlong pulis na ang kinasuhan.

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla may nag-offer ng P20 milyon sa pamilya ni Lasco para i-atras din ang kaso. Subalit hindi tulad ng pamilya ng anim na taga-Tanay, Rizal buo ang loob ng pamilya ni Lasco na bigyan siya ng hustisya. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

SABONG

SUSPECTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with