^

PSN Opinyon

PhilHealth vs AIDS

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DUMARAMI ang kaso ng mga HIV positive sa bansa at dito’y gumaganap nang mahalagang papel ang PhilHealth. Sa unang araw ng Disyembre ng taong ito, ipinag­diwang ng buong daigdig ang World AIDS Day upang lumikha ng public awareness at ang mga tao’y mag-ingat sa seryosong sakit na ito.

Gawain ng PhilHealth na tustusan ang pangangaila­ngang medical ng mga positibo sa sakit at mapanatili ang kalusugan habang wala pang tiyak na lunas para rito.

Ang kaso ng Human Immuno Deficiency Syndrome (HIV) ay tumaas ng 327 percent sa ating bansa, samantalang ang mga namatay sa full blown Acquired Immuno Deficiency Syndrome (AIDS) ay tumaas ng 401 porsiyento. Ito ay ayon sa 2022 Global AIDS monitoring report.

Bagamat wala pang lunas ang karamdaman, manage­able pa rin ang HIV para huwag humantong sa nakamamatay­ na AIDS. Ito ay sa pamamagitan ng antiretroviral therapy na kinapapalooban ng mga gamot na nirereseta ng mga health providers. Sa paraang ito, mababawasan ang HIV sa katawan ng mga pasyente at nananatili siyang malusog.  

Ang PhilHealth ay may Outpatient HIV/AIDS Treatment Package na sinimulang ipatupad noon pang 2010 at ang coverage ay umaabot sa halagang Php 30,000 bawat taon. Kasama sa package ang konsultasyon o screening para sa may tuberculosis, pagtukoy sa blood toxicity level sa pamamagitan ng lipid profile, CBC, serum creatinine at fasting blood sugar.

Kasama rin ang monitoring ng reaksiyon ng katawan ng pasyente sa gamutan. Ang mga kasong sakop ng benepisyong ito ay yung kumpirmado ng San Lazaro Hospital Reference Laboratory/STD AIDS Central Cooperative Laboratory.

AIDS

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with