^

PSN Opinyon

Saging at tinapay sa mahapding sikmura

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat tayo ay nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Kapag nalipasan tayo ng pagkain o dili kaya ay na-stress sa trabaho, parang makulo ang ating tiyan. Naglalabas kasi ng sobrang acid kaya humahapdi ang sikmura. Ang tawag dito ay gastritis o hyperacidity at kung lumala ay puwedeng maging ulcer.

Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Sa aking pananaw, mas maigi ang pagkain nang wasto:

1. Kumain sa tamang oras (small, frequent meals)—Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. Halimbawa, kumain ng 7:00 ng umaga. Magsaging ng 10:00 a.m. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmeryenda ng tinapay sa 4:00 p.m.. Mag-dinner ng 7:00 ng gabi. Kahit busy ka sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.

2. Saging at tinapay ang lunas—Napaka-healthy ng saging. Bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay parang gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Ang pandesal din ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa. Araw-araw, saging at pandesal ang baon ko kapag maingay ang sikmura ko.

3. Uminom ng tubig pakonti-konti—Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.

4. Umiwas sa pagkaing nakakahapdi ng tiyan. Umiwas sa maasim at maanghang (spicy).—May mga pagkaing sadyang nakahahapdi ng tiyan. Umiwas sa mga sobrang spicy na pagkain. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pineapple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita rin ng tiyan.

Sa aking palagay, hindi na kailangan ng gamot sa ordinaryong paghapdi ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing ikaka-relax ng ating tiyan, tulad ng saging, tinapay, kanin, lugaw at gulay. At mag-relax din kaibigan habang kumakain para hindi ma-stress ang ating katawan.

* * *

May kabag at masakit ang tiyan

Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pagdighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.

Tips para maiwasan ang kabag:

1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.

2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Itigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.

3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.

SIKMURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with