Stress at hindi makatulog
Stress ang pinakamalaking problema nang marami ngayon. Nagdudulot ito ng sakit sa puso, ulcer at sakit sa katawan.
Paano malalaman kung stressed ka na?
I-check ang tatlong bagay:
1. Suriin ang pulso. Ang tamang pulse rate para sa matatanda ay sa pagitan ng 70 hanggang 80 na tibok bawat minuto. Kung ang pulse rate ay mas mataas sa 80 bawat minuto, ito ay posibleng ikaw ay may stress. Maglaan ng ilang sandali para bilangin ang iyong pulse at simulan tantyahin ang stress level. Para hanapin ang iyong pulso ipatong ang una at pangalawang daliri sa pulso na malapit sa wrist. At tignan ang iyong relo at magset ng timer sa 1 minuto at bilangan ang tibok nito.
2. Bilangin ang paghinga. Para sa matanda ang average na paghinga ay 12 hanggang 16 bawat minuto. Kung kayo ay humihinga ng mas higit pa sa 16 kada minuto, baka ikaw ay may stress. Mag set ng timer para sa 1 minuto at bilangin ay paghinga. Huminga lamang ng normal habang binibilang ang hininga.
3. Tingnan ang ibang senyales sa iyong katawan. Ang stress ay nagpapahiwatig ng iba pang sintomas sa ating katawan. Halimbawa, ang iyong tiyan ba ay nakararamdam na para bang buhol-buhol at maasim. Masakit ang iyong ulo. Nakaramdam ka ng paninigas sa iyong leeg at balikat.
Tips:
1. Huminga ng malalim at mabagal.
2. Mag-stretch at mag-lakad-lakad.
3. Matuto tumanggi kung hindi mo na kaya.
4. Kumausap ng positibong kaibigan.
5. Ayusin ang isipan. Baka maliit lang ang stress pero pinapalaki lang ng isipan mo.
6. Huwag idaan sa alak, sigarilyo at bisyo.
7. Makinig sa music at mag-pahinga.
***
Hindi makatulog? Gawin ang mga sumusunod
Kung ang sobrang pag-iisip ay pinapanatiling gising ka sa gabi, narito ang tatlong simpleng payo na puwedeng gawin:
1. Isulat ang iyong iniisip—Kailangan mailabas sa iyong isipan ang pino-problema mo. Ang lumang paraan ay pagsulat sa papel o diary. Ngunit mayroon ding mga App sa cellphone kung saan puwede ka magsulat at i-save ito. Mas giginhawa ang iyong pakiramdam para makatulog ka na.
2. Magdasal at magnilay-nilay—Ang regular na pagmumuni-muni ay may pakinabang, kabilang ang mas maayos na pagtulog at mas kalmadong isip. Ang pagmumuni-muni at pag-relax araw-araw ay makatutulong para mapahinga ang iyong isip at katawan.
3. Mangako na ipagpapatuloy ang iyong pag-iisip sa isyu sa ibang araw—Ang iyong isip ay paulit-ulit sa mga alalahanin, problema at solusyon hangga’t pinapayagan mo ito. Kung napansin mo ang isang paulit-ulit na ideya, subukang gumawa ng isang desisyon sa iyong isip. Sabihin ito, “Ipina-pangako ko na maglalaan ako ng oras bukas para bigyan ng atensyon ang isyung ito. Ngunit sa gabi ngayon, kailangan ko nang matulog kaya hindi ko na iisipin yan.” Siyempre kailangan mong tuparin ang iyong mga pangako kinabukasan.
- Latest